Lumipas na ang mga araw na ganoon ang routine namin ni Deon sa pagpasok. Sumasakay lang kami ng bus, minsan kapag alam niyang masiyado ng masikip ang bus agad siyang nagpapakuha sa isa mga kapatid niya. Mukhang na trauma na yata dahil sa mga taong nakakasama namin sa bus. Minsan pinag-uusapan siya ng mga babae sa loob, halata ang paghanga nila. Tapos hindi lang iyan, may nanghihingi pa ng number niya na agad niyang sinabihan... "I have a wife. Back off?" Hindi talaga maiwasang tawag atensyon si Deon sa mga kababaihan. Napa-iling na nga lang ako. Kadalasan si Rohan ang nauutusan niya na kuhanin kami. Sabi niya pa sa akin. "They're annoying. Akala ko magandang sumakay ng bus kasama ka. But it's giving me a headache. Lalo na't maraming tumitingin sa'yo. Baka masuntok ko lang sila." K

