True to his words, Ajerico transferred to her house that night. Nagugulat man ay pinabayaan na ni Aine ang binata kaysa humaba ang diskusyon nila lalo na at naroon ang mga bata. Hindi na sila nahirapang ipakilala si Jeric sa kambal lalo pa at tuwang tuwa ang mga ito ng makita ang ama. Pinag-aagawan pa ng dalawa. “Mom, may I have a minute with you?” tanong ni Gwain na pumasok sa kusina at tinulungan siyang mag-hugas ng plato. “Sure. You want to tell me something?” nakangiting iniabot niya ang plato sa anak. “About Tito Jeric. I knew what happened then when you left the company.” Tinigil ni Gwain ang pagpupunas ng pinggan at tinignan ang ina. Si Jeric ay kasalukuyang papasok sana sa kusina ay napatigil at nagtago nang marinig ang pangalan niya. “For three years, I’ve seen everythin

