"Moon!" narinig nilang tawag ni Satellite sa pamamagitang ng kanilang earphones. "Yes Satellite." pabulong na sagot ni Lisa. "Moon, na hacked ko na ang mga cctv, pwede na kayong lumabas." pag bibigay alam ni Satellite sa kanila. "Good! Neptune and star kayo ang mauna." utos ni Lisa. Agad na binuksan ni Alfie ang takip ng butas sa sahig ng truck. Sinadya nilang butasin ito para dito sila lalabas at sa ilalim naman ng truck sila bababa. Mabilis naman na naka baba si Alfie at sinundan naman kaagad ni Pamela. Gumapang silang dalawa papunta sa gilid ng pader at doon nag tago. Sumunod naman si Mercury at Uranus. "Mag-ingat kayo, walang uuwi na may sugat." paalala pa ni Satellite sa kanila. Mabilis na naka pasok sina Alfie at Pamela sa Warehouse. Sina Dianna at Kenneth naman

