CHAPTER 5

1114 Words
THEA FAITH “Marry me and I’ll pay you ten million pesos,” sagot niya sa akin na ikinagulat ko. “Po?” tanong ko sa kanya dahil parang nabingi yata ako. “Marry me—” “Inaalok mo talaga ako ng kasal?” Tanong ko sa kanya. “You need my help and I need your help,” sagot niya sa akin. “I–Ibig pong sabihin ay single ka pa? Bakit po? Wala ka pang asawa?” wala sa sarili na tanong ko sa kanya. “Kailangan ko bang sagutin kong bakit ako single?” tanong niya sa akin habang seryoso ang gwapo niyang mukha. “Hindi naman po, sorry.” nahihiya na sabi ko sa kanya. Baka isipin niya na masyado akong interesado sa buhay niya. “Hindi mo pa kailangan na sumagot sa ngayon. Pag-isipan mo ang alok ko,” sabi niya sa akin. “Kapag ba tinanggap ko ay tutulungan mo rin kami na maayos ang gulo sa company ng daddy ko? Ipapagamot mo rin siya?” tanong ko sa kanya. “Yes,” mabilis na sagot niya sa akin. “Okay lang po kahit na ‘wag mo ng ibigay ang ten million na ‘yan. Ipagamot lang po ang daddy ko ay sapat na sa akin.” “Pag-isipan mo munang mabuti.” Naging tahimik ako dahil nag-iisip pa ako ng dapat na isasagot ko sa kanya. “Kumain na muna tayo, saka ka na mag-isip.” sabi niya sa akin dahil dumating na ang pagkain naming dalawa. Kumain na kaming dalawa at nagulat pa ako dahil ang buong akala ko lang ay ‘yung order ko lang ang kakainin ko pero ang dami nitong dumating sa table namin. “Ninong, ang dami naman po nito.” sabi ko sa kanya dahil punong-puno ang mesa namin. “Kaunti pa nga ‘yan eh,” sagot niya sa akin. “Tayong dalawa lang naman po. Pero, if ever po na hindi natin maubos ay okay lang po ba na ibalot na lang natin. Ibigay po sa mga bata sa labas?” tanong ko sa kanya. “Okay,” sagot niya at kumain na rin siya. Kumain na rin ako at pareho kaming tahimik. Ang sarap ng mga pagkain kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na nag-enjoy habang kumakain ako. “Ninong, puwede po ba akong magtanong?” tanong ko sa kanya dahil curious lang rin talaga ako. “About what?” Tanong niya sa akin. “Bakit po ako ang inaalok niyo?” Tanong ko sa kanya. “Dahil kailangan ko ng babae na hindi mukhang pera. Kailangan ko ang mana ko, kaya ikaw ang pinili ko.” sagot niya sa akin. “Okay po,” tanging nasabi ko. After naming kumain ay pakiramdam ko busog na busog ako. Napag-usapan namin na dadalawin niya ang daddy ko sa hospital. Kaya naman doon na kaming dalawa dumiretso. Laking pasasalamat ko dahil wala na ang mag-ina. Tulog ang daddy ko kaya hindi na namin siya ginising pa. Sinabi rin ng doctor ang ibang sakit ng daddy ko kaya kailangan niyang manatili sa hospital. Si yaya naman ang magbabantay sa kanya. “Aalis na ako, tawagan mo na lang ako kapag may sagot ka na,” paalam sa akin ni ninong at may binigay siya sa akin na number niya. “Sige po, salamat po.” Nang maka-alis na siya ay kaagad kong sinave sa phone ko ang number niya. “Siya ba ang ninong mo? Ang bata pa pala niya,” tanong sa akin ni yaya. “Kahit po ako ay nagulat lang rin, yaya. Ang buong akala ko ay matanda na siya,” nakangiti na sabi ko. “Kaya nga, ang bata pa pala niya. Iba talaga kapag mayaman,” sabi niya sa akin. “Tama ka po, yaya.” “May asawa na kaya siya?” tanong niya sa akin. “Wala pa po,” sabi ko sa kanya. “Talaga? Sa gwapo niyang ‘yon ay wala pa?” alam ko na nagtataka siya at ganun rin ako kanina. Tama siya, gwapo kasi talaga si Ninong Noah. Gusto kong sabihin kay yaya na niyaya ako ni ninong na magpakasal. Pero ayaw ko na mag-alala siya sa akin. Wala pa naman akong sagot sa kanya. Dahil hindi ko rin alam kung kaya ko bang pakasalan ang kaibigan ng daddy ko. At kapag nalaman ito ni daddy ay papayag kaya siya? Naguguluhan rin ako. Mabuti na lang at hindi naman nagmamadali si ninong kaya binigyan pa niya ako ng time para makapag-isip. Isa lang rin ang ibig sabihin niya hindi niya ako pinipilit. Nasa akin pa rin kung papayag ako o hindi. “Yaya, umuwi ka po muna para magpahinga. Ako na lang po muna ang mag-aalaga kay daddy,” sabi ko sa kanya. “Ako na, anak. Ikaw ang dapat na magpahinga. May pasok ka pa bukas,” sabi niya sa akin. “Okay lang po ako, yaya.” “Okay lang rin ako kaya sige na umuwi ka na,” sabi niya sa akin. “Mamaya na lang po,” sabi ko sa kanya. “Sige, uuwi na lang ako para kumuha ng mga gamit namin. Mamaya ka na lang umuwi kapag nakabalik na ako.” “Ingat po, yaya.” sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at umalis na. Ako naman ay naiwan dito sa daddy ko. Hinawakan ko ang kamay niya. “Dad, pagaling ka. Gagawin ko po ang lahat para maging okay ka. Kaya sana, gumaling ka. Okay lang na matagal pero ‘wag mo akong iiwan ha. Mahal na mahal po kita,” umiiyak na sabi ko sa kanya. Naramdaman ko na gumalaw ang mga daliri niya. Kaya sapat na ito na sagot para sa akin. Masaya ako dahil alam ko na naririnig niya ako. Alam ko na gusto rin ng daddy ki na gumaling. Alam na alam ko kung gaano niya kamahal ang company namin. “Huwag ka pong mag-alala sa akin. Dahil kayang-kaya ko po ito. Basta po, sikapin mo rin na gumaling. Kasi mamasyal ulit tayo tulad ng dati.” kausap ko sa daddy ko. Lahat ay kaya kong gawin para sa kanya. Kilala ko rin siya, alam ko na mag-alala siya sa akin. Kaya ko sinasabi sa kanya para alam niya na okay lang ang lahat. Hawak ko ang kamay niya hanggang sa hindi ko namalayan na naka-tulog na pala ako. Nagulat na lang ako dahil may naramdaman ko na parang may bumuhat sa akin. At tama nga ako. “Saan mo ako dadalhin?!” Pasigaw na tanong ko sa kanya. IMPORTANT NOTE: (NASA G-O-O-D-N-O-V-E-L po ang mga next update.. thank you po)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD