Nefel "So tayo na?" tanong sa akin ng isang pamilyar na boses. Mula sa pagkatulala sa lawa ay hinarap ko ang pinanggagalingan ng boses. Nakapamulsang nakatayo, nakita ko si Akraim na nakatingin sa akin. Hinihintay niya akong sagutan ang kanyang tanong. "Uwi na tayo?" sinagutan ko ang kanyang tanong ng isa ring tanong. Dagdag ko, "Tapos na ba ang pag-uusap n'yo ng tito mo?" "Oo..." sagot niya, "nothing important naman ang naging konbersasyon namin. Gusto niya lang akong makita nang personal at makamusta." Ngunit kahit ayaw kong magduda sa sinabi niya ay hindi ko talaga maiwasan. Bakas kasi sa ekpresyon niya ang pagkatamlay. Alam kong may pinag-usapan silang napakapribado ng tiyo niya na ewan ko kung bakit magagawang maglihim sa akin ni Akraim. Maybe he just cares for me that's why he ma

