Nefel "And there you go!" magalak na sabi ko sabay pindot sa 'enter' button ng keyboard sa desktop ko. Ilang oras ko na ring tinatrabaho itong interview ko kay Akraim. Luckily, first thing in the morning ay natapos ko na. Ipinikit ko ang mga mata ko at iniunat ang mga kasu-kasuan. Kahit kasi na parati na akong expose sa computer ay hindi talaga maiiwasan na may mga daramhin ka sa katawan kapag masyado kang nagtagal dito. Pinahinga ko muna ang mga mata ko ng ilang sandali bago muling imulat ang mga ito at itutok ulit sa monitor ng computer. Nag-compose ako ng email at isinend iyon kay Danica. Mula sa kinauupuan ay tumayo ako at tinungo ang balcony ng apartment space ko. Bumungad sa akin sa pagbukas ko ng sliding door ang napakapreskang hangin ng umaga. Pumasok ito sa ilong ko at nagdulot

