HINDI ko maintindihan pero lately laging pumupunta sa opisina namin si Sir Vincent. May point na may bitbit itong flowers and chocolates o kaya minsan nagpapa-deliver ng pagkain sa asawa n’ya.
Para silang nagliligawang-ibon kaso mukhang pa-hard-to-get si Debbie dahil pinagtataka n’ya o ‘di kaya kinaiinisan n’ya ‘yung mga unexpected na regalo at gestures ng asawa n’ya sa kan’ya. Sa isip ko, bakit? Hindi ba s’ya masaya dahil naalala s’ya ng mister n’ya?
Pero hindi na nabigyan ng sagot ang mga tanong ko dahil aaminin ko, napapangibabawan ako ng panibugho sa tuwing pinapamukha sa ‘kin ni Sir Vincent ang lugar n’ya sa buhay ni Debbie.
Natural, maramdaman ko ‘yun dahil nga mahal ko ang asawa n’ya, ‘di ba?
Alam ko maraming magsasabi na kagagahan itong feelings ko para kay Debbie dahil kasal na s’ya, pero pa’no ko ba pipigilan ang pesteng damdamin na ‘to na sa sobrang tindi parang kinakain ako ng buhay?
Isa lang ang solusyon na naisip ko para makontrol ko ito— ang iwasan s’ya. Kaya kahit alam kong imposible dahil boss ko s’ya at secretary n’ya ako, ginawa ko pa rin ang lahat para magpaka-propesyunal sa harap n’ya. Bukod du’n, hindi ko na rin s’ya sinasamahan sa mga lakad n’ya lalo kung wala itong kinalaman sa trabaho dahil ayokong isipin n’ya na lagi akong available para sa kan’ya. Magpasama na lang s'ya kay Sir Vincent, total, asawa naman n’ya ito, ano lang ba ako sa buhay n’ya,’di ba?
Kaya lang sinong niloloko ko? Sarili ko lang din. Kasi akala ko unti-unti kong matuturuan ang puso ko na wag na s’yang mahalin lalo, pero sa tuwing hindi ko nakikita ‘yung ngiti n’ya kapag may kinukuwento s’ya sa ‘king mabababaw pero nakakatawang bagay, parang pinipiga ang puso ko! Tapos iniisip ko pa lang na si Sir Vincent ang kasa-kasama n’ya sa mga lakad n'ya, naninikip na ang dibdib ko!
May isang beses sa sobrang lutang ko, at sa sobrang broken hearted kahit walang kami, hindi ako pumasok sa trabaho at sinabi kong may sakit ako. Pero ang totoo, kumakain lang ako ng pancit canton kasama si Kina na pinapunta ko sa bahay after ng shift n’ya sa café.
“Kina, naranasan mo na bang ma-in love?”
“Ha?”
“Sabi nila, masarap daw sa pakiramdam. Para kang lumulutang sa ulap. Tapos puro masasaya at magagandang bagay lang daw ang nakikita mo…” Wala sa wisyo kong tanong sabay subo ng pancit canton na tininidor ko.
“Sinong may sabi sa ‘yo na ganu’n ang pag-ibig? Abay, gags 'yun! Saka ano ulit ‘yung tanong mo? Kung na-in love na ako? Syempre, oo! Nakalimutan mo na ba ‘yung kinuwento kong ex ko na niloko lang ako at pinagpalit sa matanda? Simula nu’n, binura ko na sa isip ko na ang love eh katulad ng mga sinabi mo. Masaya, maganda, nakalutang sa ulap. Hindi ‘yun love, inday, naka-shabu ka lang.” Anya sabay tawa. Paka-bitter, lintek! Inismiran ko s’ya dahil napaka-siraulo n’ya!
“Para ka talagang gago. Ang tino ng sinasabi ko, wina-walang-hiya mo 'ko!”
“Bakit ba kasi gan’yan ang mga linyahan mo? Teka, wag mong sabihing in-love ka? Oh my gosh, Lola, inlababo po ang apo n’yo— aray! Ba’t mo naman ako binatukan?!” Sabi n’ya sabay himas sa ulo n’yang kinutusan ko. Epal kasi masyado. Buti nga.
“Tumahimik ka, ha? Mamaya sumugod dito si Lola, maki-tsismis pa sa ‘tin!”
“Tsismis is life, bes.” Ngumisi muna s’ya bago nagpatuloy sa pangungulit n’ya.
“Pero totoo nga, Eli? In love ka na? Aminin mo, aminin mo!” Tinangka ko s’yang sabunutan dahil pinaghahampas n’ya ako habang sinasabi ang pamosong linyahan na ‘yan na napanuod n’ya sa social media pero mabilis pa sa kidlat na naka-distansya ang walang hiya kong kaibigan. Sinamaan ko na lang s’ya ng tingin sabay tutok ng tinidor sa kan’ya. Tapos naisip kong agawin ‘yung pancit canton n’ya at kainin bilang parusa sa kan'ya. Tawang-tawa naman ako sa reaksyon n'ya.
Nasa ganu’n kaming moment ni Kina nang sumigaw si Lola. Akala naming napaano na s’ya, ‘yun pala sinasabi lang n’ya sa 'kin na nasa pinto raw ng bahay namin si Debbie at hinahanap ako.
Wait, what? Si Debbie? Yung boss ko?!
Hindi na ako nakakilos sa kinauupuan ko nang sabay-sabay kaming mapalingon dahil pumasok na s’ya sa bahay namin.
***
KASALUKUYAN kaming nandito sa loob ng kotse n’ya dahil maliit lang ang bahay namin at ayokong maki-tsismis sina Lola at Kina sa kung anomang pag-uusapan namin ng boss ko.
Noong una, ayaw pa n’yang pumayag kesyo wala naman daw kaso kung du’n kami sa bahay namin. Pero ako na ang nahiya dahil maliit, mainit saka hindi kagandahan ‘yung tinutuluyan namin kumpara sa unit na pagmamay-ari n’ya. Sa huli, nakumbinsi ko rin s’ya na sa kotse na lang n’ya kami mag-usap.
“Mukhang wala ka namang sakit. Pero sabi mo, masama ang pakiramdam mo kaya absent ka kanina.” Anya. Hindi s’ya nakatingin sa ‘kin pero kitang-kita ko ang pagtiim-bagang n’ya. Hala, galit ba s’ya?
“Sabihin mo, ‘yun ba talaga ang totoong rason?” Dagdag pa n’ya. Du’n na ako kinabahan at bahagyang nailang. Hindi ko kasi alam ang isasagot bukod do’n hindi ko rin masasabi ‘yung totoong dahilan sa kan’ya.
“Eli, tinatanong kita. Nalunok mo ba ‘yang dila mo? Bakit wala kang sinasabi? Saka…” Sinusundan ko lang ng tingin ang mga kilos n'ya at ekspresyon ng mukha n’ya. Ramdam ko ‘yung frustration sa tono ng boses n’ya kaya lalo akong natakot para sa buhay ko.
“Sino pala ‘yung babaeng nakita ko na kasama mo? Ano’ng ginagawa n’ya sa bahay n’yo ng lola mo? S’ya ba ang dahilan kaya hindi ka pumasok? May relasyon ba kayo? Girlfriend mo ba s’ya?!” Pagkasabi n’ya ng salitang “girlfriend” hindi ko napigilan ang sarili kong tumawa ng malakas. Takte, kadiri kasi ‘yung thought na magka-relasyon kami ni Kina samantalang “sinusuka” namin, ang isa’t isa! Don’t get me wrong, ganu’n lang kami magmahalan as a friend.
“Ano’ng nakakatawa? Bakit ka tumatawa? Dahil tama ako? Sabihin mo!”
“Deb, kalma ka lang, okay?” Pagkasabi ko nu’n, nakita kong lumambot ang ekspresyon ng mukha n’ya. Grabe, iba talaga charm ko, nakakapagpahinahon ng tigreng maninila!
“Yung babaeng nakita mo kanina sa bahay, si Kina ‘yun. Yung best friend ko na kinukuwento ko sa ‘yo. Hindi kami magka-relasyon kasi nakakakilabot ‘yun pag nagkataon.”
“Siguraduhin mo lang dahil…”
“Nagseselos ka ba, Miss?” Pang-aasar ko sa kan’ya. Nakita kong pinamulahan s’ya ng pisngi kaya nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Shet, ang cute n’ya!
“Don’t say that.” Anya. Sa isip ko, heto na naman po kami. Deny deny samantalang obvious naman.
“But, yes, so what?” Dagdag n’ya dahilan para masamid ako ng sarili kong laway.
“Look, hindi ka pumasok sa office kasi sabi mo may sakit ka. Nag-alala ako kaya pumunta ako sa bahay n’yo after work. Tapos makikita ko lang na nagkakainan kayo ng pancit canton ng babaeng ‘yun habang nagtatawanan na parang may kung anong masaya kayong pinag-uusapan!” Napabuntong-hininga naman ako at nakonsensya dahil sa sinabi n’ya.
“Sorry kasi pinag-alala kita…”
“Hindi ‘yun ang point, Eli. Dahil ang punto dito, bakit mo ‘ko iniiwasan? Ano bang tingin mo sa ‘kin, tanga, bobo, manhid? Palagay mo ba hindi ko napapansin na lumalayo ka sa ‘kin? Alam ko ‘yun at ramdam ko ‘yun pero hindi ko alam kung bakit?!”
“Gusto mong malaman kung bakit?” Nanlalabo na ang paningin ko sa mga luhang pinipigilan kong kumawala sa mga mata ko. Nahihirapan na kasi talaga akong solohin ‘yung feelings ko para sa kan’ya lalo na’t mapilit s’yang malaman ang totoo. Hindi ko na inisip kung ano ang posibleng mawala sa ‘kin at hindi ko na pinakinggan ang saway ng isip ko. Tuluyan na nga akong nagpatangay sa puso ko kaya sinabi ko sa kan’ya ang nararamdaman ko.
“Gusto kita, Debbie. Gusto, hindi bilang kaibigan o bilang boss. Gusto kita kasi mahal kita. Pero… pero alam kong kabaliwan ‘tong feelings ko para sa ‘yo dahil may asawa ka na. Kaya mabuti pa kalimutan mo na lang ‘yung sinabi ko at isipin mong nagde-delisyon lang ako.” Tinangka kong buksan ang pinto ng kotse n’ya para lumabas dahil malapit na akong ma-suffocate sa loob. Pero naka-lock ang pesteng pinto dahilan para lalong madagdagan ‘yung bigat sa dibdib na nararamdaman ko.
Ganito ba talaga ang ma-in love? Masakit? Malungkot? Nakakasuka? Nakakamatay sa pakiramdam? Bwiset na puso. Masyadong marupok at mahina!
“I love you, too, Eli.” Sabi ni Debbie. Agad akong napatitig sa kan’ya pero huli na dahil naramdaman ko na lang sa pisngi ko ang malambot n’yang kamay kasabay nu’n ang pagsiil n’ya ng halik sa ‘kin. Nu’ng una, hindi ako naka-imik, pero nang mag-sink in sa ‘kin ang nangyayari, tinangka kong putulin ang halikan namin. Pero hindi ‘yun nangyari dahil isinandal n’ya ako sa pinto ng kotse n’ya dahilan para lalong lumalim ang mga halik n'ya sa 'kin. Nang umungol ako, sinamantala ‘yun ni Debbie para ipasok ang dila n’ya sa bibig ko. Ramdam kong biglang nag-init sa loob ng kotse n’ya at kung hindi pa kami kinapos ng hininga, hindi pa maghihiwalay ang mga labi namin!
“B-bakit mo ‘ko hinalikan?”
“Dahil gusto rin kita.”
“Pero may asawa ka. Mali ito, Debbie.”
“Vincent and I aren’t in a relationship anymore. We are separated and divorce kaya walang mali rito.”