Chapter 7

1649 Words
Gines P.O.V Akala ko makikita ko sina Tita pero may trabaho daw ito sa ibang bansa at matatagalan daw ito doon. Naisipan ko na patabihin ang pinsan ko habang wala muna ang magulang niya dahil baka magpuyat na naman ito. Nagpupuyat kasi siya kapag wala ang mga magulang niya at kapag andito ako alam niya na isusumbong ko siya kapag nagpupuyat siya. Mahimbing ang pagkakatulog namin nang biglang sumigaw ang katulong ng pinsan ko kaya agad kaming napabalikwas ng bangon. "Ma'am andito na ho sa baba si sir Andrew!" Pagkarinig na pagkarinig ng pangalang Andrew ay agad itong lumabas at iniwan ako sa kwarto. Hindi naman halatang excited siya sa lakad nilang dalawa ngayon. Napailing nalang ako at dumiretso sa banyo para maligo. Aaliwin ko nalang ang sarili ko sa bahay tutal wala naman akong lakad ngayon. Pagkatapos kong maligo ay ang eksaktong pagpasok ng pinsan ko sa kwarto at halatang nagmamadali. "Tapos kanang maligo?"bungad nya sakin. Tumango lang ako dito kaya agad itong pumasok sa kwarto kaya bumaba na muna ako. Pagkababa ko ay may isang pares ng mata ang nakatingin sakin at nang makababa na ako ay lumapit ito at dinala ako sa malapit na sofa. "Good Morning Jayns" Tila bumalik ang nararamdaman ko para sa kanya matapos kong makita ang ngiti niya. Jayns, may mahal yang iba wag kang tanga! "Morning din. Saan pala ang lakad niyo?"ngumiti din ako para di halatang nagseselos ako. 'wala kang karapatang magselos Jayns' "Sasamahan ko kasi ang pinsan mong mag shopping para sa prom bukas." Sinuri niya muna ang reaksyon ko bago nagsalita ulit. "Baka gusto mong sumama samin" Para itong nahihiyang napakamot sa batok at di makatingin ng diretso sakin. "Sasabihan nalang kita kapag di kana busy" Siguro naman walang problema kung makikipag-kaibigan ako sa kanya. Kaibigan lang naman hindi naman ako mang aagaw ng alam kong may nagmamay ari na. "Just text me okay" Sasagot na sana ako ng magsalita ang pinsan ko sa likod. "Jayns baka gusto mong sumama samin?" Gustong gusto! "Naku huwag na Ate, mag rereview pa kasi ako"sabi ko dito bago binalingan ng tingin si Andrew. "Ingatan mo yang pinsan ko ha nag-iisang anak yan" biro ko na ikinatawa naman ng pinsan ko. "Huwag kang paranoid Jayns nagiging katulad kana ni Tita" sabi nito bago binalingan si Andrew. "Tara na doon nalang ako kakain sa bagong pizza parlor" sabi nito at naunang lumabas ng bahay. May mainit na kamay ang humawak sa braso ko at ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko. "Walang namamagitan sa amin ng pinsan mo. Don't be jealous my shine" sabay kindat at agad din sumunod sa pinsan ko at iniwan akong nakatulala. 'Shine' May kung anong saya akong naramdaman ng mga sandaling iyon, kaya habang kumakain ako ay nakaukit parin sakin ang ngiti. Naputol lang naman ang ngiti ko nang pumasok ang batang kasambahay nila na ngayon ko pa ata nakita at panay ang tingin sakin na para bang may gusto itong sabihin. "Huwag ka ng mahiya sakin sabihin mo lang" sinubukan ko naman itong bigyan ng ngiti upang di siya mailang. "Wala naman po..nagagandahan lang po ako sa inyo" agad naman akong namula sa sinabi nito. "Mas maganda si Ate Joanna kaysa sakin" Agad naman itong umiling na para bang hindi siya sang ayon sa sinabi ko. Maganda naman talaga ang pinsan ko dahil bukod sa may lahi siya at nakuha niya ang maliit na mukha ni Tita Joan. "Para po sakin mas maganda ka po at mas mabait. Hindi kasi masyadong ngumingiti yun kapag wala ang mga magulang niya" tango lang ang naibigay ko dahil wala akong masabi. Hindi ko naman gustong siraan ang pinsan ko kaya nanahimik nalang ako. "Andito kalang pala Mary!  naku mag trabaho kana doon" sabi ng mas matandang kasambahay. Tinapos ko nalang ang pagkain ko at pumunta sa terrace para gawin ang mga gawain ko. Siguro pagkatapos ko dito ay mag-aaya akong mag shopping kay Andrew. 'Ang landi mo na Jayns!" Joanna's P.O.V "Saan mo gustong pumunta?" Kanina pa siya tanong ng tanong sakin na para bang nagmamadali. Akala ko pa naman masisiyahan siya dahil dinala ko sa pizza house yun pala atat na atat umalis. "May lakad ka ba?" "Wala naman" bago nagkibit balikat at kinalikot ang phone niya. Dati naman hindi niya tinitignan ang phone niya kapag kasama ako maliban na lang kung may babaeng pinopormahan. 'Wag naman sana ang pinsan ko' Agad ko namang inalis ang naiisip ko. Impossible naman na patulan siya ng pinsan ko dahil wala naman yung interes sa love life. "Sa mall tayo, maglalaro ako" Hindi ito nagsalita at tumango lang. 'Babawi pero parang napipilitan lang' mahina kong bulong na akala ko makakatakas sa pandinig niya. "Sorry, nag text si Mom nangungumusta" pagkatapos ay ibinulsa niya na at tinawag na ang waiter dahil tapos na rin naman kaming kumain. Tahimik ang naging byahe namin at tahimik lang din siyang nakasunod sa akin habang papasok sa mall. Laro lang ako ng laro at itong kasama ko ay parang walang pake sa nangyayari sakin na kahit nabangga ako ng tao ay panay parin ang kalikot nito sa phone niya. Tinignan ko muli ito pero naka tutok parin ang mata niya sa cellphone niya kaya naisipan kong itext ang grupo ni Loraine. Sa kanila nalang siguro ako magpapasama. 'Lor busy ba kayo?" panimula ko. Hindi ko pa naibabalik sa bag ang phone ko ng umilaw ito at mag reply sa text ko. Loraine: Andito kami sa mall niyo. Bakit? Ako: Pwede bang sumama sa lakad niyo? Loraine: Diba kasama mo si Andrew? Nakita ka daw ni Marinel kanina habang papasok kayo. Ako: Magkasama kami pero lutang parang napipilitan. Loraine: Asan ka ba at pupuntahan ka namin. Agad kong sinabi na nasa arcade ako at ibinulsa na lang ang phone bago balingan si Andrew na naglalaro na pala ngayon. Bumalik ako sa pwesto ko kanina at kinuha ang bola at nagsimulang mag shoot. Lahat ng emosyon ko ay ibinuhos ko sa paglalaro para kahit papaano ay hindi ako maging praning. "Matagal ka pa ba dito?" tanong nito at umupo sa bakanteng upuan malapit sa machine. "Oo bakit? maylakad ka ba?" itinigil ko muna ang paglalaro at tinignan ang ekspresyon niya. "Nagpatawag kasi ng meeting ang SSG para na rin sa nalalapit na prom" natahimik naman ako dahil alam ko kanina pa na sa lakad na ito ay iiwan niya ako. "Pero kung gusto mo hindi na lang ako sasali pwede naman akong mag---" Hindi ko na siya pinatapos dahil pinapakonsensya lang naman ako ng taong ito. "No need dadating din naman sila Loraine ngayon. Sila na lang ang isasama kong mamili" Ngumiti ako para di niya makitang nasasaktan ako. 'Kahit naman di ka ngumiti Jo manhid naman ang bestfriend mo' "Sure? Ayos lang naman na h---" Hinawakan ko ang balikat nito at ngumiti para ipakitang ayos lang. "Sige na baka ma late kapa marami pa namang susunod" Yumakap naman ito sakin bago hawakan ang magkabila kong balikat. "Eat your lunch okay and call me if you need something" sabi nito at hinalikan ako sa noo bago tinungo ang labasan. Ilang minuto pa akong nakatingin doon at napagpasyahan na lumabas na lang. Eksakto namang paglabas ko ay ang paglapit sakin ni Marinel. "Para ka atang nabagsakan ng lupa? Hindi ka ba nakakuha ng ticket sa mga nilaro mo?" Hindi na ako sumagot at alam ko na alam niya ang nangyari kaya sinubukan niyang pagaanin ang loob ko. "Kaming bahala sayo ngayon. Smile kana nga. Naku isa ka pa ring modelo kaya dapat ngiti ka lang. Let's go" Tumango lang ako at sumama sa kanya. Andrew P.O.V Pagkalabas ko doon ay pinuntahan ko ang jewelry shop na kanina pa nakakuha ng atensyon ko. Agad akong pumasok at pumunta sa counter para magpadesign ng gusto ko. "What can I do for you sir?" ngiting bati ng sales lady. "Magpapa customize sana ako ng kwintas" "Ano po ang design sir?" "Ito" sabay turo ko sa couple necklace na araw ang design "Lagyan mo ng sun at shine. Salamat" Agad naman niya itong sinunod at habang naghihintay ako tinext ko muna si Gines. "May ibibigay ako sayo ngayon. Abangan moko sa labas ng bahay ni Joanna" pagkasend ko ay agad kong ibinulsa ang cellphone at hinintay ang kwintas. "Andrew?" Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Angelie isa sa member ng SSG. "An! Anong ginagawa mo dito?" "Dumating na kasi ang jewelry na gagamitin ko sa prom bukas. Ikaw anong ginagawa mo?Kasama mo si Joanna diba?" "Oo kaso may meeting pa kasi kami para sa prom bukas kaya sumama siya kina Loraine" tumango naman ito bago nagpaalam na aalis na at hahanapin pa daw niya sila Loraine. Hindi kasali si Angelie sa meeting dahil SSG officials lang ang may meeting. "Sir ito na po. I'm sure magugustuhan ito ng girlfriend niyo" napangiti na lang ako at nagbayad. Bitbit ko ang kwintas habang nakangiting binabagtas ang parking lot. Pagpasok ko ay agad kong tinungo ang bahay nila Joanna. "Anong ibibigay mo?" tanong nito sakin na kanina pa pala nakatambay dito sa gate ng bahay. "Talikod ka" Agad naman itong tumalikod dahil sa sinabi ko. Inilagay ko ang kwintas sa leeg nito at nang humarap siya ay abot langit ang ngiti nito. "Grabe naman ito. Hindi pa tayo close para bigyan ako ng regalo pero thank you" Hawak niya pa rin ang kwintas habang nakangiti na naging dahilan din ng pagngiti ko. "Magiging mabilis ako dahil baka magselos ka pa sa pinsan mo. I'm courting you Jayns" Kita ko sa mukha niya na natigilan siya at di makapaniwala sa sinabi ko. "Drew, gusto ka ng pinsan ko. Hindi ko siya gustong saktan" "Hindi kami pwedeng magkagusto sa isa't isa at hindi ko naman hinihingi ang sagot mo dahil sinabihan lang naman kita para hindi ka mabigla" "Okay" ngumiti ito bago ibinaba ang tingin kaya hinawakan ko ang mukha nito. "See you bukas. May meeting pa kami di kita maipapasyal ngayon" "Ayos lang. Ingat ka"  Nagpaalam muna ako bago pumasok sa  kotse. Habang nakasakay sa sasakyan ay kitang kita ko parin mula sa salamin ang mukha niyang nakangiti habang nakahawak sa kwintas. Kinikilig ako gago! 'May gusto sayo ang pinsan ko' Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Gines. Imposible na magkagusto sakin si Joanna dahil iba  ang type niya at mas uunahin namin ang pagkakaibigan kaysa sa relasyon. Imbes na mamroblema ako ay inisip ko na lang ang masayang mukha ni Gines. You'll be mine shine and we will complete the SunShine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD