Mabilis akong napadilat nang mga mata ko nang biglang may tumatawag sa phone ko. Medyo masakit pa ang ulo ko at mabigat ang talukap ng mata ko kaya tinatamad pa akong umangon at gumising. Sino ba kasi tong tumatawag at nang iistorbo nang tulog ko? Hanggang sa bigla akong napaangat sa kama. Tinignan ko ang orasan. 11:02 AM. “Put—” naputol ang mura ko nang mapansin kong totoo ngang 11:02 am at tumatawag si ate. Sa mga sandaling oras na iyon, akala ko si Andrew na ang tumatawag dahil sa chat niya kagabi na makipag meet up ako sa kaniya sa mcdo ngayon. As if. Sinagot ko ka agad ang tawag ni ate. “Po?” “Kumain ka na diyan. Umalis na kami nang kuya Ben mo dahil may extra work hours ako at baka ma late rin kami maka uwi dahil may kailangan kaming asikasuhin papeles para sa wedding namin

