Chapter 25 Andrea's POV Hinatid ako ni Seth pagkatapos ng practice nila sabi ko nga hwag na. Sinabi rin kasi niya sa akin na gusto niya raw na panoorin ko siya sa practice game nila kaso bigla namang nagwalk out si Vinson at ganoon din si Oliver. Mukhang nagtalo ata ang dalawa at muntikan ng magkagulo, mabuti na awat ng dalawang sina Ethan at Paulo. Nagpasalamat ako kay Seth sa paghatid niya sa akin kahit hindi naman kailangan, sanay naman akong magcommute. Sabi niya bukas nalang raw ulit. Saka ako nagwave at nagpaalam na sa kaniya at umakyat na sa apartment ko. Pagpasok ko ay kinuha ko ang phone ko sa loob ng bulsa ng P.E pants ko at tinext ko si Vinson. Andrea: Kamusta? Vinson: Good Andrea: Okay Vinson: Busy ka? Andrea: Nope, kadarating ko lang why? Vinson: Nasa baba ako

