_{JHON MARKUZ's POV}_ Dito ako ngayon sa mansyon nag-u-opisina at dito ko na rin ipinagpapatuloy ang aking mga trabahong dapat ay sa kumpanya ko ginagawa. Halos tatlong linggo na rin ang lumipas mula nang mangyari ang muling pagtatangka ni Mr. Tomoharu sa akin, at 'yon din 'yong gabing hinding-hindi ko malilimutan, 'yong gabing ipinaranas at ipiniramdam sa akin ng aking asawa ang kakaibang sarap at sobra sobrang pagmamahal para sa akin. Oo at may namagitan na uli sa amin bago ang gabing iyon at nitong mga mga huling araw, ay palagi na ring may nangyayari sa amin bilang mag-asawa, at ang gabing iyon ang sobrang naiiba, dahil do'n ko nakita at naramdaman ang gano'ng side nito pagdating sa kama, ang pagiging wild nito na sobra ko namang nagustohan na para bang araw araw kong pinananabigang

