EPISODE 6

2306 Words
Dumaan muna ako sa isang Toy Shop, dahil gusto kong bilhan ng laruan si David, at alam kong pag-uwi ko ay hindi na naman ako nun papansinin, ganun kasi ang aking anak, pag hindi ako nakakauwi, agad nagtatampo at hindi ako pinapansin, kaya kailangan ko na namang manuyo. Napa-iling na lang ako habang natatawa, dahil nai-imagine ko na naman ang itsura ng aking anak, humahaba na naman ang nguso sa sobrang pagsimangot. Ilang sandali pa ay nakarating na rin ako sa isang malaking Shop ng mga laruan na kahanay rin ng mga sikat na Restaurant dito sa kahabaan ng Makati. Agad na rin akong pumasok sa loob ng Shop ng mai-ayos ko na pagkaka-park ng aking big motor bike na Ducati Panigale V4 na kulay black, na halos kabibili ko pa rin lang 'to nung nakaraang taon. "Yes, Maam? Good morning! May I help you?" magalang na sabi ng isang Staff ng Shop, tumango naman ako, pagkatapos ay dumiritso na rin ako sa mga laruang mga naka-display, ngunit ilang minuto pa lang akong namimili ng mga laruan ay naagaw ang aking atensyon sa ingay na nagmumula sa labas ng Shop, na kahit ang ilang Staff at mga taong nasa loob ay mababakas ang waring pagkataranta, kaya naman lumakad ako papalapit na Entrance, at sinundan ang tingin ng mga taong naroon, na halos ay sa labas nakatuon ang mga paningin habang mababakas sa itsura ng mga ito ang pagkagulat. Napailing na lang na lang ako nang makita ko ang isang lalaki na lumabas mula sa isang kilalang Banko, na waring nagkakaroon ng Hostage Taking, hindi ako lumapit at nanatili lang akong nakamasid sa mga nangyayari, dahil hindi ako basta basta puwedeng makialam, pero kung kinakailangan ko nang kumilos ay saka ako kikilos. Mula sa aking puwesto ay rinig na rinig ko ang pakikipagnegosasyon ng mga kapwa ko Pulis sa Hostage Taker, lumakad ako ng ilang hakbang papalapit sa ilang kapwa ko Pulis, na sa pagkakataong 'yon, ay wala pa ring nakakapansin sa akin dahil ang lahat ay nakatutok ang atensyon sa isang taong may hawak na babaeng halatang empleyado ng Banko, nakamasid lang ako sa mga 'to, ngunit sa pagmamasid kong 'yun ay nag-iisip na rin ako ng dapat kong gawin, lalo na at nakikita ko na ang bahagyang pagdaloy ng dugo mula sa leeg isang empleyadong hawak ng armadong lalaki, habang ang ilang kapulisan ay pinalalabas na ang ilang mga taong natitira sa loob ng Restaurant na napapagitnaan ng Toy Shop kung saan ako nanggaling at ang Banko kung saan may nagaganap na Hostage taking, pero bahagyang ikinakunot ng aking noo nang mapansin ko ang isang grupo ng mga naka-itim na lalaki ang nananatili sa loob ng Restaurant at hindi lumalabas, na kahit ang isang kapwa ko Pulis ay napansin ko pang bahagyang yumukod bilang paggalang sa isang taong hindi ko nakikita dahil nahaharangan ng ilang mga lalaking nakatayo, hindi ko na gaanong pinag-ukolan pa ng pansin dahil ang pukos ko ngayon ay sa nangyayaring pangho-hostage ng ilang mga armadong lalaki, na alam kong may kasama pa ito sa loob ng banko. "KAILANGAN N'YONG MAGPADALA NG ISANG RITO SA LOOB NG TRENTA MINUTOS, AT KUNG HINDI N'YO MAIBIBIGAY SA LOOB NG ORAS NA SINASABI KO, IISA ISAHIN NAMING PATAYIN ANG LAHAT NG TAONG NASA LOOB!!!!" sigaw ng isang armadong lalaki na may hawak sa isang empleyado ng Banko, na alam kong hindi basta basta makakakilos ang mga kapwa kong Pulis dahil bukod sa kutsilyong nakatutok sa leeg ng empleyado ay my baril pa itong hawak habang nakatutok naman sa bahagi ng mga Pulis. Napamura na lang ako sa aking ng makita ko ang oras. "Fvck!! Maiksi ang trenta minutos na hinihinging oras ng armadong lalaki." bulong ko sa aking isip, naririnig ko ang pag-uusap ng dalawang Pulis na malapit sa akin at doon ko nalaman na may tatlo pa pala itong kasama sa loob, ayon sa isang empleyadong nakatakbo agad kanina palabas. At sa pagkakataong 'yun ay wala na akong pagpipilian kundi ang makialam sa problemang ito. Mabilis kong kinuha ang aking baril sa likod ko, nakasuot ako ngayon ng black leader na jacket kaya natatakpan ang aking baril, at agad ko ring ikinabit ang silencer, dahil ang plano ko ay asentahin ang lalaki sa noo, at agad hilahin sa gilid para 'di mapansin ng mga kasamahan nito at ako ang kunwaring papalit sa armadong lalaki, para makapasok sa loob ng Banko, na hindi naman mahirap gawin dahil ang mga armadong lalaki ay mga nakasuot rin ng mga purong itim na damit. Lumapit na ako sa mga kapwa kong Pulis, at kita ko naman sa mukha ng mga 'to ang bahagyang gulat nang makita ako. "Lieutenant Lopez?" gulat na sabi ng mga kapwa kong Pulis, pagkatapos ay agad nagsipag saludo sa 'kin, tumango lang ako at hindi na tumugon. "Remove your bulletproof vest, now!" seryoso kong sabi na agad namang sinunod ng kapwa ko Pulis. "Lieutenant, delikado po ang gagawin n'yo, hindi ho bas——" nag-aalalang sabi ni SPO1 Gomez. Napa-iling na lang ako sa takbo ng isip ng mga 'to. "Sino ako, SPO1 Gomez?" seryoso kong tanong na hindi naman na ito, naka-imik pa, dahil alam na ng mga ito ang ibig kong sabihin, hindi ako makakarating sa aking kinalalagyan kung hindi ako mahusay pagdating sa gan'tong larangan, na sa loob ng isang taong panunungkulan ay nakuha ko ang posisyong 'to. Agad kong itinali ang aking buhok, at hinubad ko ang aking jacket, na sa pagkakataong 'yon ay naka-boxer sando na kulay itim lang ako, kaya hindi maiwasang mahantad ang aking balat lalo na sa bahaging aking balikat at likod, at saka mabilis kong isinuot ang bulletproof vest, kasunod naman ay ang bonnet na ini-abot din sa akin ng isa pang kapwa ko Pulis, nang matapos ay muli kong isinuot ang itim kong jacket na alam kong hindi na rin mapagtutuonan pa ng pansin ng iba pang mga armadong lalaki ang aking itsura dahil alam kong sa mga oras na 'to ay puno na ng tensyon ang presenya ng mga armadong lalaking nasa loob ng Banko, tumingin ako kay SPO1, saka ko 'to tinanguan at agad ini-abot sa akin ang aking baril na kanina ko pa nalagyan ng silencer. Dahan dahan akong lumakad sa gilid ng Restaurant papalapit sa armadong lalaki habang mahigpit pa ring hawak ang kaawa-awang empleyado na ngayon ay marami na ring dugong umaagos mula sa leeg na alam kong malaki na rin ang sugat nito dahil sa patalim na nakatutok sa leeg nito, nang ilang hakbang na lang ay inilabas ko ang maliit na salamin saka ko itinapat sa Banko, para malaman ko kung ni isa sa mga kasamahan nito ay walang nakasilip, dahil hindi ko puwedeng asintahin ang lalaking 'to kung may nakasilip na kasamahan dahil maaaring ma-alerto ang mga 'to, nang makita kong wala ni isang nakasilip ay agad akong puwesto at wala pang ilang segundo at tinamaan ko na 'to sa ulo, na ang plano ko sana ay sa noo, ngunit nabago ang aking plano dahil pumuwesto ako sa parting likuran nito para hindi ako makita o mapansin man lang habang patuloy pa rin 'to sa pakikipagnegosasyon sa mga ka-Pulisan, at nang makita kong bumagsak na ang lalaki ay agad akong lumapit, saka ko sinenyasan si SPO1 Gomez na hilahin ang katawan ng armadong lalaki na alam kong wala na rin 'tong buhay dahil fatal ang tama nito. "You're safe!" seryoso kong sabi empleyadong hostage kanina, at ramdam ko pa ang panginginig ng katawan nito. "Sa-Salamat p-po." nanginginig naman nitong sagot, saka ako humakabang paatras, na sumunod din naman sa bawat paghakbang ko ang empleyado, ngunit nang nasa pintuan na kami, ay saglit pa muna akong timugil. "Run!" seryoso kong sabi rito saka ko 'to binitawan at nang makita kong hawak na ito ni SPO1 Gomez, ay saka ako pumasok sa loob, kita ko ang itsura ng mga inosenteng tao na mga nakadama sa sahig habang ang mga armadong tao naman ay mga nakapuwesto malapit sa salaming dingding ng Banko at paminsan minsang sumisilip sa mga pagitan ng mga vertical blinds na nakakababa, na alam kong wala pa ring ideya ang mga 'to kung sino ako, lumapit ako sa mga taong nakadapa at sinabihan ko na sapat lang upang marinig ng mga 'to, na sabihin pa sa iba na lumipat sa kabilang bahagi na kung saan naroon ang maliit na opisina sa loob mismo ng Banko, tumango namang ang mga 'to, at mabilis na nagkilusan papasok sa loob ng maliit na opisina, dahil ayaw kong may madamay pa ang mga 'to kung makipaglaban na ako sa mga armadong lalaki, pansin ko namang nagtataka ang natitira pang mga armadong lalaki sa aking ginaaw sa mga bihag, nagkibit balikat na lang ako, dahil hindi naman ako puwedeng magsalita, dahil makikilala ang aking boses, at nang makita kong nakapasok na lahat sa loob ay saka ko naman binunot ang aking baril na isiniksik ko sa aking likuran at saka ko inasinta isa isa ang kamay ng mga lalaking armado kung saan mga nakapuwesto ang mga baril n hawak, na hindi naman ako sumablay at iisa isa ngang nagbagsakan ang hawak na baril ng tatlong lalaki, saka ako mabilis na lumapit isa isa kong binigyan ng malalakas na sipa, dahilan para bumagsak ang tatlo sa sahig, pagkatapos ay mabilis kong nilapitan ang isa at agad kong sinuntok sa mukha ng ilang beses, nang mapansin kong hindi na makakilos ay mabilis kong hinawakan ang batok nito na gaya ng ginawa ko kay Jm at madiin kong pinisil ang bahaging iyon dahilan upang mawalan na agad ito ng malay, ngunit bago pa man ako makatayo ay naramdaman ko naman ang paghampas ng kung anong bagay sa aking likod dahilan naman upang mapadapa ako sa sahig, agad ko naman nilingon ang lalaking humampas sa akin, at kita kong muli na naman sana akong hahampasin, kaya mabilis kong inabot ang isang baril na malapit sa akin at muli kong pinaputokan ang kamay nito, na agad rin namang nabitawan ang upuang hawak nito na ginamit sa akin panghampas, saka naman sumugod ang isa pang lalaki, kaya naman agad akong tumayo, at sinalubong ko ito, saka ako tumalon paikot at mabilis ko 'tong sinipa, dahilan naman upang humampas ang katawan nito sa salaming dingding, na dahil sa lakas ng puwersa ng pagkakahampas ng katawan nito ay nabasag ang salamin at tumalbog ito sa labas ng Banko, na agad kong nilapitan at binigyan ng sunod sunod ng suntok sa mukha, nang makitang halos hindi na ito makapalag ay saka naman ako tumayo upang pumasok sa loob dahil alam kong maaari pang makakilos ang isa lang lalaki, subalit bago pa ako makaikot ay naramdaman kong nahila ng natitira pang lalaki ang aking bonnet na naging dahilan upang malantad ang aking mukha at sumabog ang aking mahabang buhok, dahil sa paghila nito sa aking bonnet ay mabilis na napasama sa paghila nito ang aking tali sa buhok, na bigla naman ako nitong inundayan ng suntok na kahit puro dugo na ang mga kamay nito dahil sa mga tama ng baril kanina dahil doon ko pinunterya ang mga ito, mabilis ko namang nasalag ang kamay nito, saka ko mahigpit na hinawakan at mabilis na pinilipit, pagkatapos ay umikot ako papunta sa likod nito saka ko mabilis na itinulak padapa, at gaya ng ginawa ko sa unang lalaki at madiin ko ring pinisil ang batok nito, na naging dahilan din upang agad na mawalan ng malay, nilingon ko naman ang isa pang lalaki na halos hindi na makakilos mula sa pagkakalugmog sa seminto sa labas ng Banko dahil sa natamong suntok nito sa mukha mula sa akin. Tumayo ako at doon ko na napansin ang paglapit ng mga ka-Pulisan, ganun na rin ang ilang mga media na nakatutok ang mga camera sa pinangyarihan na crimen, na kahit umiwas pa ako ay alam kong kanina pa nakapukos sa akin ang mga camera, nang tuloyan ng makalapit sa akin ang mg ka-Pulisan ay isa isa namang sumaludo sa akin ang lahat, na tinanguan ko lang naman at saka ko hinubad ang aking jacket para alisin ang bulletproof vest, na buti na lang at mayroon akong suot nito kaya hindi ko rin gaanong ininda ang paghampas ng upuan sa akin kanina ng isang armadong lalaki. "Lieutenant Lopez, isang karangalan na naman po ang inyong nagawa, ibang iba talaga ang husay mo." rinig kong sabi ni Major Sanchez, na ngayon ay narito na rin pala, pero kanina ay hindi ko 'to nakita o napansin man lang, tumango naman ako, at saka ko ini-abot dito ang bulletproof vest, na hindi ko na inabala pa ang aking sarili na isuot pang muli ang aking jacket. "Buhay pa ang mga 'yan, hintayin n'yo lang magising, and make sure no one has been hurt by the hostages earlier." seryoso kong sabi sa lahat ng mga ka-Pulisan na nasa mga posisyon din, tumango naman ang mga ito at muling sumaludo, na sa pagkakataong 'yun ay sumaludo na rin ako, pagkatapos ay tumalikod na rin ako at tinungo ko na ang aking motor kung saan ko ipinarada. "Fvck!! Lalo lang sumama ang aking pakiramdam." bulong ko sa aking sarili, habang isinusot ko ang aking helmet, nang matapos ay agad ko na ring pinaharurot ang aking Ducati Panigale V4, pero bago pa ako makalayo ay muli ko pang nilingon ang pinangyarihan ng hostage taking, at sa pagkakataong 'yon ay iba ang aking nakita, nakita ko si Jm na mariing nakatitig sa akin, dahilan naman upang dagsain ako ng matinding kaba sa aking dibdib. "s**t!!! Naroon ba s'ya? Gaano s'ya katagal na naroon? Fvck!!! Nakita n'ya ba ako? Damn it!! Ang tattoo ko!! Alam kong nakita na naman nito kanina kung tama nga ang nasa isip ko, na kung kanina pa 'to naroon." muli kong bulong sa aking isip. Umiwas na ako ng tingin at sa unahan ko na ipinukos ang aking atensyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD