Unidentified Earthquake

420 Words
Nagising ako ng maramdaman 'kong umuuga ang kamang hinihigaan ko. "Huh?" Tanging sambit ko papunta sa swith ng ilaw. Nang mabuksan ko ang ilaw bigla nalang huminto ang pag uga ng bahay. Sa sobrang antok ko bumalik ako ulit sa higaan at natulog. Ilang minuto pa ay naramdaman ko na naman ang ang pag uga ng bahay namin. Hindi kaya may lindol? Sa isip-isip ko. Madali kasing makaramdam ng lindol ang bahay namin dahil gawa ito sa kahoy. Dali-dali 'kong binuksan ang ilaw at sasabihan sana si kuya na lumilindol. Nasa kabilang kwarto kasi siya kasama ang girlfriend niya. Umalis kasi sina mama at papa dahil may reunion sila, hindi ako sumama dahil hindi ako mahilig sa family gatherings. Ayaw din naman ni kuya dahil mas gusto niya daw kasama ang girlfriend niya. Pagbukas ko palang ng ilaw biglang huminto ang pag lindol. Kumunot ang noo ko, pinaglalaruan ba ko ng engkanto? Inis ko namang pinatay ang ilaw at naghintay ng limang minuto, sa paghihintay ko bigla ko na naman naramdaman ang pagyanig ng munting bahay namin. Bigla ko ulit binuksan ang ilaw, nagtatakang mukha parin ang naka-ukit sa mukha ko. Tatlong minuto ko munang hinintay kong yayanig ba ulit ang bahay namin. Sa inis ko ay pinatay ko ulit, ilang minuto pa bigla na namang yumanig ang bahay namin. Wala sa wisyo 'kong pinatay sindi ang ilaw namin. " Ano ba yan, Sachi! " Inis na sigaw ni kuya mula sa kwarto. " Wala!, mukhang may engkanto sa ilalim ng bahay. " sagot ko sa kanya. "Aish! Patayin mo na nga yang ilaw! 12 na ng gabi gising ka pa." Sigaw ni kuya sa'kin. Papatayin ko na sana ang ilaw ng biglang nasira ang switch. " 'bat ang tagal mo dyan, Sachi?" Galit na sambit ni kuya. " K-kuya, nasira ko ata ang switch. Hehe" takot kong sagot sa kanya. Narinig ko nalang na bumukas ang pintuan sa kwarto ni kuya at iritang tumingin sa akin. " Yan kasi! " saad niya at pilit pinapatay ang ilaw. Matapos mapatay ang ilaw ay pumasok siya ulit sa kwarto. " Matulog ka na! Isusumbong kita kina mama. " may pagbabanta sa boses niyang sabi. Daglian namang pumasok ako sa loob ng kwarto ko at nahiga, pero ilang minuto hindi parin ako makatulog. Kinuha ko ang cellphone ko at nagfacebook nalang. Hanggang sa may naririnig akong sumasalpok sa kwarto ni kuya. Magtatanong sana ako ng bigla kong narinig ang boses ng girlfriend niya. " Taena Rome, 'bat mo pinutok sa loob? "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD