Kenneth's POV Three days na simula ng magising si Ianne. Bibisitahin ko siya ulit ngayon eh. Namimiss ko na siya. Nag park ako sa Likod ng hospital. Nag mamadali akong pumasok sa loob dahil sabik na sabik nako na makita muli ang ngiti ni Ianne. Nang makapasok ako, Parang tinamaan ako ng kaba ng makita ang magulo at walang laman na kwarto ni Ianne. Nasa sahig na ang kumot, naka tumba ang mesa, may nabaling silya at gusot na kama. Nag tungo ako sa banyo, wala ring tao roon. s**t!. Tinext ko agad sina Azce. Tangina! Nagtungo ako sa desk sa tapat at tinanong kung pwedeng macheck ang cctv. Iginaya niya ako rito at rewind ko ang lahat. I saw Ianne, Trying to fight some men. Hanggang sa takpan ang bibig niya na naging rason ng pag ka tulog niya. Sa fire exit sila dumaan kaya walang naka kita.

