"Kaya mo pa ba makalakad?"
"O-oo"
"Kapag may nananakit sa'yo, sumigaw ka ng tulong hindi yung tinatanggap mo lang yung sipa nila."
"A-Aray!"
"Oh, di mo naman pala kaya hindi ka pa humihingi ng tulong, hays! Tara na nga, saan ba bahay niyo?"
"S-Sa k-kabila"
"Saang kabila? Ituro mo."
"K-Kanan tapos k-kanan ulit"
...
"Oh, ayan, makakauwi ka naman na siguro, nandyan na yaya mo"
"Salamat, hija!"
"Walang anuman po, ate!"
"Ay hija, gusto mo ba munang kumain ng tanghalian sa loob?"
"Hindi na po, maglalako pa po ako ng kakanin, mauuna na po ako"
"Sige hija, mag iingat ka!"
"Ay oo nga pala, ano pangalan mo, kuya?"
"S-Seb"
"Seb?"
"Hmm"
"Ikaw hija ano pangalan mo?"
"Miraya, pero mas sanay ako sa Mira. Sige! Mag iingat ka sa susunod, Seb! Humingi ka ng tulong kapag sinaktan ka ulit nila!"
"Hindi ka ba magpapapaalam kay— ay wala na siya"
"S-Salamat, R-Raya"
Sana magkita pa tayo...
-
-
MY FIRST FRIEND, MY FIRST LOVE
DISCLAIMER
Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Lahat ng mga pangalan, lugar at pangyayare ay nanggaling mula sa karanasan, kaalaman o imahinasyon ng manunulat at hindi ito sinasadya. Walang ibang kopya ang istoryang ito sa iba pang website o platform nang na hindi pinahintulutan ng manunulat. At kung naghahanap ka ng pawang kasiyahan at perpektong istorya ng pag-ibig, hindi ko inirerekomenda ang istoryang ito.
-
-
Makalipas ng anim na taon...
Nakangiti kong ipinasa ang aking mga school requirements sa registrar na taas-kilay nitong tinanggap. Ipinasok ko ang mga kamay ko sa aking bulsa para maibsan nang kaunti ang kaba. Huling taon ko na rito sa Francisco High School kasi Grade 10 na ako at mag a-apply naman ako sa ibang school para sa Senior High. Walang problema sa grades ko at sa mga requirements ko. Kinakabahan ako dahil—
"Oh! You must be Katrina's son? Yung isa sa mga investors ng school, yes?" ang kaninang naiiritang mukha ng registrar ay napalitan ng maamong mukha. At duon ako kinakabahan.
"O-Opo" maikling tugon ko. Kinakabahan akong may iba pang taong makatuklas na anak ako ng isa sa mga nag iinvest sa school na ito.
"That's good! Minsan dumaan ka rin dito. Ay siya nga pala, gusto mo ba nito? Mainit na suman iyan, wag ka mag alala, walang lason yan. Gusto mo ba ng kape? tsaa? o mineral water lang?" derederetsong tanong ng registrar.
Ayoko ng atensyon...
Gusto ko lang mabuhay nang payapa...
Malayo sa panghaharas...
At malayo sa maraming taong mapagsamantala...
"H-Hindi na po. I need to go na po—" nakailang hakbang palang ako ay pinigilan agad ako ng babae. Kumapit ito sa akin na parang ayaw niyang umalis ako.
"Ay teka teka teka teka! Mauuna ka na agad? May sundo ka ba? May kotse bang susundo sa'yo? Saan ba bahay niyo? Gusto mo ihatid na kita sa gate?" nahihilo ako. Ayoko ng maraming tinatanong sa akin.
Lumayo ka na sa akin... please...
"A-I can—"
"Hindi! Baka mapaano ka pa d'yan sa daan, ihahatid na kita—"
"Kaya ko na po, ate—"
"Sige na, wag ka na mag inarte—"
"Kaya ko naman po—"
"Shh! Wag ka na magsalita—"
"Miss?" sabay kaming napahinto ng registrar nang makarinig ng boses ng isang lalaking kaedaran ko. May kulay ang buhok nito na red at may maraming piercings. Hindi ko masasabing normal lang ang outfit niya, dahil parang pang ootd ang dating ng suot niya. may black tshirt tapos may white long sleeves sa loob. Naka cargo pants ito at may mga palaylay pa sa belt nito. Natigilan ang registrar na nakadikit pa rin sa akin. "Wag niyong iwanan yung trabaho niyo dito para magpagoodshot sa anak ng investor, kita namang di siya kumportable sa'yo oh"
"Wala ka ng pakialam doon! Mag sulat ka na nalang diyan" sigaw sa kanya ng registrar.
Napabuntong hininga yung lalaki at may dinukot sa bulsa. Iniangat nito ang log book na nasa desk at—
"Hoy! Bata ka! Wag mong susunugin yan!" bumitaw sa akin ang babae at naglakad papunta sa lalaki. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa babae at hawak ang log book na malapit na niyang sunugin.
Itinago niya agad ang lighter at ngumiti. "Joke lang! Wag mo kasi iiwan itong desk mo, alam ko pa naman kung saan mo nilagay pera mo. Sige ka, nanakawin ko yun" pang aasar pa nito at sumenyas na umalis na ako. Hindi ko nagawang mag pasalamat at tumakbo papaalis.
Salamat, kuya...
Hinanap ko kaagad ang kotse na susundo sa akin at hindi naman ako nabigo. Nandito na si Kuya Tony, driver ko. Lalabas pa sana siya ng kotse para pagbuksan ako ng pinto pero inunahan ko na siya at pumasok sa loob ng itim na kotse. "How are you, Kuya Tony?"
"Ayos lang boss, napahinto lang ako sa isang karinderya malapit dito para kumain. Balita ko kasi masarap yung nga ulam na tinitinda nila" kamot ulong sagot niya.
"You should call me Seb, Kuya Tony. By the way, bakit naman hindi mo sinabi sa akin? Dapat sabay na tayong kumain" sabi ko sa kanya na parang nanghihinayang na pumasok pa ako sa loob.
"Naku!Magagalit si Madam Kat nyan sa akin! Sabihin pinapakain kita sa karinderya eh meron namang mga restaurant at mall dito" sabi nito na parang di nagustuhan ang suggestion ko. Napabuntong hininga nalang ako.
"Pero masarap po ba talaga yung mga ulam duon?" tanong ko na parang nasasabik. Hindi ako mahilig sa pagkain pero simula nang mapunta ako ng Maynila, naaalala ko lang ang masasarap na pagkain noon na hinahanap hanap ko rito.
"Oo naman. Inabot pa ako ng tatlong order sa sobrang sarap. Gusto ko pa nga mag takeout kaso baka hinihintay mo na ako" sabi pa nito na may bahid ng panghihinayang.
"Let's go there. Eto oh" sabay abot ko sa kanya ng isang daan. "Buy three orders, dalawa sa inyo ni Anya tapos isa sa akin" sabi ko sa kanya.
"Naku, ayos lang ba sa iyo?" kamot ulo pa nitong tinatanong sa akin.
"Opo, Kuya" natatawa kong banggit. "Gusto ko rin makatikim ng ulam sa karinderya" sabi ko pa.
"Okay boss" sagot nito at masayang nagdrive papunta sa karinderya na pinuntahan nito kanina. Bumaba ito sa sasakyan matapos iparada sa gilid at dumeretso sa loob ng karinderya na may nakalagay na 'Karinderya ni Aling Bebang'.
Base sa pila ng karinderya, mukha ngang masarap ang mga ulam nito dahil maraming kumakain at bumibili. Ngayon ko lang rin napansin ito kaya sa palagay ko, bagong bukas na karinderya palang ito. Ilan sa mga taong bumibili ay may dalang maraming plastik, mukhang maraming order ren ang binili nila. Magandang tyansa ito para tumikim ng ulam sa karinderya.
Habang nag mamasid sa mga tao roon ay napansin ko ang isang babae na may maikling buhok at may apron na suot. Sakto lang ang kulay ng balat nito at may kapayatan nang kaunti. Normal na babae lamang ito na may dala dalang maraming plastik na puno ng pinamiling pagkain. Pumasok ito sa loob ng karinderya kaya palagay ko, isa siya sa mga nag tatrabaho roon.
Bagamat nakatalikod ito sa akin, nakakaramdam ako ng kakaiba dahil sa pamamaraan ng paglakad nito at sa paghawak ng mga pagkain. Feeling ko...kilala ko na siya noon...
Napalitan ng lungkot ang mukha ko sa tuwing naaalala ko siya...
"Seb?" tawag sa akin ni Kuya Tony na hindi ko namalayan, nakabalik na pala sa loob ng kotse. "Ayos ka lang ba, Seb? Mukhang natutulala ka ata d'yan ih" tanong pa nito sa'kin matapos niyang mapansin na nakatitig ako sa kawalan.
"Ah... Nothing! Marami lang akong iniisip, tara na sa bahay?" aya ko para maiwasan ang marami niya pang tanong. Sumenyas pa ito ng okay bago magmaneho. At dahil sa antok, hinayaan ko ang sarili kong matulog sa loob ng kotse.
-
Nasa tabi ako ng dagat... pamilyar ang lugar na ito sa akin... habang naglalakad ay napansin ko ang isang batang lalaking sugatan na nakaupo sa gilid ng bangka. Bakas sa mukha nito na mayroon itong hinihintay. Ilang sandali lang ay may isang batang babaeng lumapit sa kanya dala dala ang isang karton.
"Hindi ka kasi nag iingat. Ayan tuloy nasugatan ka pa" dismayadong banggit pa nito sa lalaking halos umiyak na sa sakit ng sugat na natamo sa tuhod. "Ano sasabihin ko kay Aling Karing niyan? Baka isipin niya ako pa nanakit sa'yo"
Umiling ang lalaki sa pagtanggi sa sinasabi ng babae. Nanatili lang itong tahimik habang iniinda ang sakit ng sugat nito habang ginagamot ng batang babae.
"Dito sa probinsya, kailangan mo ng pera pampagamot pero hindi lahat kayang gumastos para magpagamot. Kaya kung maninirahan ka dito, dapat marunong kang gumamot ng simpleng sugat na ito...oh ayan! Tapos ko na itali yan, wag ka muna masyadong gumalaw baka kumirot" sabi ng babae at iniligpit ang mga gamit nito. Pagkatapos ay iginilid upang makaupo siya sa tabi ng lalaki.
"Wala bang naghahatid sundo sa iyo sa eskwelahan mo?" nagtatakang tanong ng babae habang dinudukot nito ang bulsa niya. Kinuha niya ang isang balot ng ube at binigyan niya ang katabi niya ng isa nito.
"Makikita ni yaya yung sugat ko" sagot ng lalake. Nag aalangan pa siyang kunin ang ube pero pinilit na ibigay yun ng babae sa kanya. Binuksan niya ang dahong nakabalot dito at inumpisahang kainin.
"Eh makikita pa rin naman iyan ng yaya mo kahit hindi ka magpasundo eh" sabi naman ng babae at ngumuya ng ube.
"Sasabihin kong nadapa lang ako sa daan" sinabi ng lalake. Napabuntong hininga ang babae sa sinabi nito at inubos ang natitirang ube.
"Ayaw mong malaman ng yaya mo na sinasaktan ka ng mga kumag na yun? Eh tapos ano? Hahayaan mo lang na saktan ka ulit nila?" derederetsong sinabi ng babae na parang pinapagalitan ang lalake.
"G-Ganun na nga" malungkot na tugon ng lalake. Bumuntong hininga muli ang babae at tumayo ito sa harapan ng lalaki.
"Tutal lagi rin naman kitang nakikita rito sa daan, ako nalang maghahatid at magsusundo sa'yo para hindi ka na nila magulpi" pag aaya nito. Tatanggi pa sana ang lalaki kaso tinakpan ng babae ang bibig nito. "Hep! Hep! Hep! Hep! Walang tatanggi! Ako na nga nag aaya eh, baka makonsensya lang akong lagi kitang nakikitang sugatan"
Hindi na umimik ang lalake at tumango nalang. Kahit natutuwa sa sinabi ng babae, nag aalala rin ito na baka masaktan rin.
"Seb ang pangalan mo diba?" tanong ng babae habang naglalakad ito sa harapan ng lalaki. Tumango ito. "Eh ano ba ang buong pangalan mo?"
"Se-Sebastian V-Veloria" nahihiyang tugon ng lalaki. Tumango tango ang babae habang hawak ang baba nitong nag lalakad.
"Baste!" natutuwang sambit ng babae habang pumapalakpak "Baste ang itatawag ko sa'yo" sabi nito sa kausap niya. Nanlaki ang mata ni Sebastian dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya.
"S-Sige" sagot nito habang itinatago ang mukha. "P-Pero, a-ayos lang bang Raya ang itatawag ko s-sayo?" tanong ni Baste kahit nahihiya ito. Nakita nito ang nakalahad na kamay ng babae kaya tinignan niya ito sa mukha.
"Pwedeng pwede!" nakangiting sagot nito. Hinawakan ni Baste ang kamay ni Raya at hinatak ito ni Raya patayo. Hindi na naramdaman ni Baste ang kirot ng sugat niya. Nagtakbuhan ang dalawa habang hawak nito ang kamay ng isa't isa.
"Raya..."
"Seb, nandito na tayo"
"R-Raya"
"Seb?"
"Raya—"
"Seb" nagising ako sa aking panaginip at bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni Kuya Tony. "Uminom ka muna ng tubig, grabe ang hingal mo, mukhang binabagabag ka nanaman ni Miraya" huli ko na napansin na sobrang hingal na hingal ako kahit nakaidlip lang ako. Kinuha ko ang binigay nitong tubig at huminga ng malalim. "Matapos mo lang ang Grade 10, Seb, papayagan ka na rin ni Madam Kat na bisitahin si Miraya" tipid na ngiting nagpapagaan sa akin. Hinahawi ni ang buhok ko para mapagaan ang pakiramdam ko.
Ngumiti ako pabalik at ibinalik ang tubigan. "Thank you, Kuya Tony" sabi ko sa kanya.
"Oh siya! Bumaba na tayo at hinihintay ka na ni Madam Kat sa loob" sabi pa nito kaya't bumaba na rin ako ng kotse. Pinagpag ko ang damit ko bago pumasok ng bahay.
"Seb, anak, What's taking so long? Have you eat, son?" nag aalalang tanong ni mom sa akin bago yakapin. I kissed her cheeks before smiling.
"I bought some food. I will eat inside my room. May tatapusin pa po kasi ako, mom" I answered. She smiled back and talked to Kuya Tony. "Mom, kukuha nalang po ako ng kanin, ulam po kasi itong binili ko eh"
"Sure, Seb, Manang Lilia? Paki-kuha si Seb ng kanin, pakidala nalang sa kwarto niya. Salamat!" sigaw ni mom. "Go ahead, Seb. Manang Lilia will deliver your rice there"
"Thanks, mom" I said before going inside my room.
After I locked the door. I sighed heavily.
Walang araw na hindi ko siya naaalala...
Pumunta ako sa gilid ng kama para tignan ulit ang litrato naming dalawa. Bakas ang masasayang alaala sa mga mukha namin. Eto ang huling araw na nakasama ko siya. Hindi ako nagpaalam sa kanya na aalis ako kasi alam kong hahanapin niya ako. Ayokong mangyari iyun dahil ayokong pabayaan niya ang buhay niya sa probinsya para lang sa akin.
Six years mula noong huling pagkikita namin. Maraming nagbago pero sana hindi niya ako nakalimutan. Tutuparin ko lang ang pangako ko kay mom, then hahayaan niya na muli akong makasama ka. Sa ilang taon na lumipas, muntik kong pinabayaan ang pag aaral ko dahil sa makasariling damdamin na magluksa. Ilang taon akong malungkot na parang bumalik muli sa umpisa na parang wala akong kaibigan.
Na parang wala akong minahal...
Hindi ko piniling hindi magpaalam sa kanya, kasi ayun ang palagay kong mas makabubuting desisyon. At maliban duon, biglaan rin akong pinasundo sa Batangas kaya wala rin akong oras magpaalam.
Mapapatawad niya kaya ako?
Other than that, mas concern ako sa kalagayan niya. Dahil wala kaming koneksyon, di ko alam kung anong nangyayare sa kanya. Hindi ko na rin alam kung anong itsura niya ngayon. Panigurado namang maganda pa rin siya.
Huling taon na ito. Malapit na ulit kitang makita. Mula Grade 7, nagsipag ako at ginawa ko siyang inspirasyon para maging top achiever. Maliban duon, gusto ko rin maipakita kay mom that I can prove myself worthy as her son. Gusto kong magtapos ng Junior High na may mataas na karangalan.
At kapag nakuha ko na ang medalya, isasabit ko ito sa kanya...
Nakarinig ako ng tatlong katok kaya't ibinaba ko ang photo frame namin ni Raya. Pinagbuksan ko ng pinto si Manang Lilia. "Oh, Seb! Eto na yung kanin. Sakto na ba iyan? O dadagdagan ko pa?" nag aalalang tanong nito bago ibigay sa akin ang kanin.
"Sakto na po iyan, sobra nga po eh" kamot ulo kong sagot at kinuha ang pinggan. "Salamat, Manang Lilia" sambit ko bago isara muli ang pinto.
Inilagay ko ang kanin at ulam sa tabi ng mesa ko para kapag nagutom ako habang nag aaral, may makakain ako. Umupo ako sa aking study area. Nag umpisa akong magbasa ng libro tungkol sa culinary habang nanonood ng tutorial nito sa YouTube.
Ilang minuto pa at nakaramdam ko ng gutom. Kumuha ako ng basong tubig sa aking mini ref at pumuwesto sa pagkain. Menudo ang inorder ni Kuya Tony. Nalalanghap ko palang ito, pakiramdam ko na masarap nga. Tumikim ako ng kalahating kutsara at hindi nga nagkakamali si Kuya Tony, masarap nga!
Malasa ang ulam kaya't naubos ko kaagad ang kanin. May natitira pang ulam kaya't napagdesisyunan kong kumuha ulit ng kanin. Papunta palang ako ng kusina, napansin ko si Anya na nagtatatakbong pumunta ren sa kusina.
Nang maabutan ko siya roon, umaakyat siya sa upuan para kumuha ng kanin. "Anya!" nakangiting tawag ko sa kanya. Lumingon ito sa akin at itinago ang pinggan sa likod nito.
"S-Sorry po" nahihiyang sinabi nito at nakarinig ako ng tunog sa maliit niyang t'yan. Napangiti naman ako at lumapit sa kanya. Anim na taong gulang palang si Anya at ipapasok palang siya sa kindergarten malapit sa school na pinapasukan ko. Napakamahiyain niya at sobrang tipid magsalita maliban sa tatay niyang si Kuya Tony.
"Ako na d'yan. Baka magtapon ka pa ng kanin" sabi ko sa kanya at hiningi ang pinggang itinatago nito. Maingat niyang binigay ito sa akin at naghain ako ng kanina sa kanya. "Is that okay? Or kulang pa?" tanong ko matapos maglagay ng dalawang sandok ng kanin.
"Okay na po" mahinang sambit nito at bumaba sa upuan. Dali-dali itong tumakbo pabalik sa kwarto nila ni Kuya Tony.
"Mag iingat sa daan baka madulas ka" paalala ko sa kanya. Hindi ko maiwasang isipin pero pareho kami ni Anya na mahiyain sa ibang tao maliban sa mga kaclose nito. Takot si Anya sa akin dahil akala niya nakakatakot daw kapag tinatawag akong 'boss' ng papa niya.
I never treated her such violence. Sadyang di lang rin ako marunong makipag interact kapag hindi ko nakakasama madalas kaya ang usual cold look ko, nakakaintimidate pala sa iba, kagaya ni Anya. I never had any siblings kaya gusto ko ring tratuhin bilang little sister si Anya. Ang problema, hindi nga ako marunong mag interact.
Kumuha nalang ako ng kanin para sa akin at dahan dahang naglakad pabalik sa kwarto ko. Inubos ko ang natitirang ulam kanina at uminom ng tubig. Napabuntong hininga ako at iniligpit ang mga pinagkainan pati ang mga gamit ko. Matapos kong magligpit, humiga ako at pinatay ang mga ilaw maliban sa lampshade na katabi ng kama.
Ganito ang buhay ko. Araw araw akong nag iisa rito sa kwarto at payapang gumagawa ng gusto ko. May nakakausap man ako, hindi kasing tagal ng pag uusap ng isang matalik na magkaibigan.
Habang nakatingin sa kisame, naaalala ko muli kung gaano ako kasaya noon na may kasama akong nanonood ng langit sa umaga at sa gabi. Maliban sa hindi ko nalilimutan ang mga sandaling tumatawa at nanonood sa kawalan, mas hindi ko malilimutan kung gaano ako kasaya tumitig sa ngiti ng babaeng unang nagpatibok ng puso ko.
Kasabay ng isang luhang lumabas sa mga mata ko, matatapos nanaman ang isang araw na malungkot na inaalala ka.
"I miss you, Raya"
-Yakira Mizuki
#