Chapter two : Revenge

1058 Words
The Revenge Of Consuelo ____ "Mika, pabuksan ng tv. Salamat." Katatapos niya lang mag-almusal. Bitbit ang isang cookies sa kamay niya nang umupo siya sa sofa. Tatlong buwan pa lang ang nakalipas mula nang mag-eleksyon, iyon ang dahilan kung bakit siya madalas interesante sa balita sa tv sariwa pa ang pagkapanalo ng mga Montaño kaya inaasahan niyang madalas ang exposure ng mga ito. Ang istasyon ng bayan nila sa Leviste ay walang ibang binabalita kun 'di ang mga bagong halal na mga politiko kasama na rito ang mga Montaño mula sa kongresman hanggang sa vice mayor pamilya ng mga Montaño ang mga nakaupo. 'Political dynasty!' sambit niya. Sampung taon siyang tumira sa Amerika pagkatapos ng aksidente; sampung taon pero walang nagbago sa Leviste. Ano pa nga ba ang aasahan niya? Mga Montaño pa rin ang nahalal ng mga tao. Natatawa siyang may pang-uuyam sa sarili. 'Hindi magbabago ang bayan kung mismo ang mga tao ay walang pagbabago sa sarili nila! Kung mismo ang mga tao ang hindi gusto ng pagbabago!' iyon ang paniniwala niya. Kung bakit ba naman wala man lang nagtangkang kumalaban sa mga Montaño; mayroon pala ang papa niya. Napasinghap si Consuelo. Malinis ang hangarin ng papa niya; bente anyos na siya n'on kaya alam niya na ang lahat ng plano ng papa niya para sa Leviste. Mga paaralan, libreng pagpapa-hospital, livelihood program, libreng edukasyon, pabahay , libreng patubig sa mga sakahan at marami pa sana. Lahat ng iyon nawala lang sa isang iglap; dahil sa mga Montaño. Mga walang awa, sinisigaw ng isip niya. Naisip ni Consuelo, kung alam ba ng pamilya ng mga ito ang tungkol kay Luna— mangyayari pa rin kaya ang lahat ng iyon? Nawawala pa rin kaya sa kanya ang pamilya niya— lalo na si Luna. Tanong niya sa sarili niyang hindi alam kung mabibigyan pa ng kasagutan. Kasalanan niya ba kung pinagkait niya sa pamilya ni Rio ang tungkol kay Luna, kahit nang mabuntis siya nito hindi niya sinabi sa lalaki ang tungkol d'on. Naniwala siya n'on na kaya niyang palakihin si Luna mag-isa na walang kahit na ano'ng tulong mula rito. Nabaling ang tingin ni Consuelo sa larawan ng mama at papa niya sa dingding. Isa ang mga ito sa may gustong hindi ipaalam n'on sa mga Montaño ang tungkol sa anak nila. Ang sabi ng mama niya, hindi lang matatanggap ng pamilya nito si Luna dahil isa siyang Guerrero— ang matinding karibal ng mga Montaño sa negosyo maging sa pulitiko. 'Hindi man lang kita naprotektahan, anak! I'm sorry!' ilang beses na ba siyang humingi ng tawad sa anak nila ni Rio? Hindi niya na nabilang. Ang alam nya hanggang sa mga sandaling iyon, sinisisi niya pa rin ang sarili niya kung bakit hinayaan niyang maging parte ng buhay niya si Rio. KASALUKUYANG nandito tayo ngayon sa bahay ng mga Montaño— para sa one on one interview kay Congresswoman Helen Montaño. Hinihintay lang ho natin ang pagbaba niya. Natuon ang pansin ni Consuelo sa TV. Kilala niya ang reporter na iyon si Anj Felipe— highschool classmate niya ito sa isang pribadong paaralan n'on. Mula highschool sila media broadcasting na ang pangarap nito at nandoon na ito pinapanuod niya. Gusto nyang maging masaya para kay Anj hindi niya lang maramdaman ngayon ang sayang 'yon dahil nasa balwarte ito ng mga Montaño. "Congresswoman Helen.. Salamat ho sa pagpapaunlak sa interview na ito and congratulations—" narinig niyang simula ni Anj. Napahawak si Consuelo sa sikmura niya; hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng pagsusuka siguro dahil sa ilang taong pamamalagi niya sa Amerika muli niyang nakita ang ginang. Napapikit siya't pinilit na kinalma ang sarili. "Thank you, Ms. Felipe— I'm happy that you're here. It's my pleasure na mabisita ng isang sikat na reporter ng Leviste—" 'Plastik ang puta!' galit na turan ni Consuelo nang marinig ang mga sinabi ni Helen. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya; sa sidhi ng galit na nararamdaman hindi niya na gaano narinig ang iba pang pag-uusap ng mga ito o para sa kaniya kaplastikan ni Helen. 'Bahagi na naman ng kasinungalingan mo ang lahat ng 'to, Helen!' sambit niya. Kung nakakamatay lang ang tingin niya, baka nakita niya nang bumulagta na ang ginang sa screen. Inikot ni Consuelo ang tingin niya sa paligid ng bahay sa likurang bahagi ni Helen at ni Anj. Pamilyar sa kaniya ang bahaging iyon, sa malaking sala na animo'y bulwagan sa lawak nito. Minsan na siyang dinala ni Rio n'on sa bahay na iyon— walang nagbago sa porma at estilo ng mansyon ng mga Montaño. "Maam Luna, may kailangan pa ho kayo? May gagawin lang ho sana ako sa likod bahay niyo," untag ni Mika kay Consuelo. Ngumiti siyang umiling-iling dito. Mabait ang batang ito, aniya sa isip niya. "I'm okay here, Mika. Salamat. Gawin mo lang ang gusto mong gawin. No worries." "Salamat ho." Sinundan niya ng tingin si Mika. Bukod kay Rana at Jaypee na mga kaibigan niya ito lang ang tanging nakakasama niya mula nang bumalik siya ng bansa isang buwan na ang nakakaraan. Sa isang buwan na iyon, ginagawa niyang bantayan mabuti ang pamilya ng mga Montaño; pinagplaplanuhan kung paano makakapasok sa pamilya ng mga itong hindi malalaman kung sino ba talaga siya. Ang sabi ni Rana, imposible ang gusto niyang mangyari— kahit na sabihin pang pinalabas n'on na kasama siya sa mga namatay walang nagbago sa mukha niya. Makikilala at makikilala pa rin siya ni Rio kapag nagharap na silang dalawa. Speaking of Rio matagal na itong nasa Hawaii, hindi na raw umuuwi sa Leviste kahit pa nang mangyari ang aksidente. Umalis ito nang bansa, dalawang buwan bago nya malamang buntis siya rito— kaya nga hindi nagkaroon ng pagkakataong masabi niya pa ang tungkol d'on. Rio abandoned her; iyon ang tumatak sa isip niya. Wala na siyang balita dito mula n'on, maliban sa kapatid nitong si Franco na sa Amerika din lumaki n'on kaya hindi siya nagkaroon makilala ito habang magkasama sila ni Rio. Ang balita niya ngayon nasa bansa ang lalaki, na ito ang namamahala sa plantasyon ng pamilya ng mga ito sa Leviste. Si Franco Montaño ang gagamitin niya; kung paano iyon ang pag-aaralan at bibigyang pansin niya sasamantalahin niyang wala si Rio sa bayan nila para makahanap ng mga ebidensya laban sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD