Chapter 14: Night 4

1663 Words
Chapter 14: Night 4 Raven Malapit na naman magsimula, natutuwa naman ako para kay Crystal dahil finally! Natauhan na siya, nakapag-adjust na siya. Nasa kwarto lang ako ni Owen habang hinihintay ang kanyang sunod na magiging utos, to be honest... nagsisimula na akong magtanim ng galit kay Owen. Pakiramdam ko kasi ay hindi niya ako pinagkakatiwalaan, kahit na magka-partner kami sa lahat ng pag-solve sa misteryong ito. "Owen gano'n pa rin ba ang gagawin ko?" Pagtatanong ko sa kanya, ilang araw ko na ring binabantayan si June and to be honest! Wala talaga akong nakikitang kakaibang pagkilos galing sa kanya. "Nope," Sabi niya sa akin at kumuha ng isang kutsilyo sa kanyang drawer. "Gusto kong alamin mo lahat ng tawag sa kutsilyo na nandito ngayon sa park." "Ha? Para saan? Owen ang walang kwenta ng mga iniu—" “Gawin mo na lang,” sabi niya muli sa akin at napabuntong hininga na lamang ako. Habang nasa trial kami at judgment phase kami kanina ay may isang bagay akong napansin. "Owen, sa tingin mo ba recorded lang lahat ng boses ni Amanda?" "So you'd finally noticed?" Sabi niya at tsaka ngumisi. So all this time ay alam niya na ang tungkol sa bagay na iyon? "Hindi lang tayong dalawa ang nakakapansin niyan, paniguradong alam na rin iyan ni Stacy at Tomy base on the level of their observation." "Sa tingin mo? anong dahilan ni Amanda?" "Simple lang," Lumapit siya sa akin at bumulong. "Isa sa atin si Amanda Park." Para namang nagtaasan ang aking mga balahibo dahil sa kanyang mga sinabi. “Theory ko pa lang naman iyon, wala pa ‘kong sapat na ebidensya para mapatunayan ito. At isa pa, hindi si Amanda ang kalaban natin sa laro kun’di ang mga killers.” Sabi sa akin ni Owen at nakahinga ako ng maluwag. “Tsaka nga pala, ginamit ko ang una nating ability kanina, inalam ko ang katauhan ni Phil.” Hindi na ako umangal dahil gusto ko rin malaman ang katauhan ni Phil. “Innocent lang siya.” "Sabi ko naman sa'yo Owen eh, masyado ka lang nag-o-overthink sa mga taong nakapaligid sa'yo." Sabi ko sa kanya. "That's what you called a smart tactic. Iyon ang role na'tin sa larong 'to, we are the one who's responsible for revealing the identity of each suspicious person. Hindi overthink ang tawag do'n, iyon ang tinatawag ng paggamit ng utak. Aralin mo ang bagay na 'yan." Sabi niya at lumabas ng silid. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ako sumunod sa kanya palabas. Bakit ba kailangan ko laging sundin si Owen? Why I need to know all the type of f*****g knives? Basta kung ano yung bagay na maliit na matulis kutsilyo ang tawag doon... Bakit may mga types pa 'to? "Uy Raven!" Pagtatawag sa akin ni Crystal at sinabayan ako sa paglalakad. Pagkababa ko ay nandoon na ang karamihan sa amin. “Ang bagal mo, ikaw na lang ang kulang.” Kumakamot sa ulo na sabi sa’kin ni Caleb. Naupo ako at nakipagkwentuhan sa aming mga kaibigan. Pinagmamasdan ko si Owen, paano? Pa'no niyang nagagawa ang isang mahusay na pag-arte sa harap ng maraming tao? "Raven nakatingin ka sa akin? Nabakla ka na naman" Natatawang sabi ni Owen. He’s good at acting in front of other people. “Before we start the game, the doctor decided to save Shaine for tonight!” Para namang hindi makapaniwala si Shane sa kanyang mga narinig. "A-ako? Ligtas ako?" Isa-isa na kaming umalis sa lobby at lumabas. Muli kong pinagmasdan ang magandang amusement park. Hindi ko lubos akalain na sa isang masaya't makulay na lugar na ito, magaganap ang isang laro na kahit sino'y hindi papangarapin na makasali. *** Nagsimula na ang laro at saglit akong tumungo sa bookstore para maghanap ng librong magagamit sa research, hindi naging madali ito lalo na't nagsisimula ang laro. Kumuha lang ako ng libro about sa kutsilyo. "Bakit ba kailangan pa 'to?" Ngayon lang ako muling nakapunta rito at ngayon ko lang din napagmasdan ang lugar na ito. Habang nagmamasid ako ay may narinig akong biglang pagkalaglag ng isang libro sa shelf. May tao. Dahan-dahan ang ginawa kong mga hakbang. Ramdam ko ang pagbubutil ng pawis mula sa aking noo. Pakiramdam ko ngayon ay nasa peligro ang buhay. "Fire exit." Pagbasa ko rito habang tinitignan ang isang pinto. Mas lumalakas ang mg hakbang na aking naririnig, ang bawat hakbang ay nagpapalakas ng kabog sa aking dibdib. Dahan-dahan kong binuksan ang fire exit hanggang sa mabuksan ko ito ng tuluyan. Hindi na ako lumingon-lingon pa sa paligid at nagdire-diretso na ako sa pagbaba. Ang sunod ko na lang na gagawin ay ang pagkalap ng mga kutsilyo rito sa park, It ain't gonna be easy. Kahit masama ang ugali sa akin ni Owen, may tiwala pa rin naman ako sa kanya. *** Third person "Ako na ang bahala sa pagpatay ngayong gabi," Sabi ng assassin habang nilalaro ang mga kutsilyo sa kanyang mga daliri. "Who's the target?" "Owen or Tomy." Maiksing sagot sa kanya ng Serial killer. “’Wag muna silang dalawa, natutuwa ako sa katangahan nila. Hanggang ngayon ay wala pa silang lead sa kung sino tayo,” masayang sabi ng mafia sa mga kasama. “Okay, si Erica muna ang target ko ngayon,” Isinuksok niya ang kutsilyo sa kanyang bulsa na kanina’y pinaglalaruan. Naglakad ang assassin at hindi na hinintay ang mga kasama. “Teka—“ tawag ng serial killer. “H’wag mo siyang sundan,” suway ng mafia. “Hayaan mo siya. Mas inuuna niya pa kasi ang yabang niya ke’sa sa utak niya. Ang pagiging tanga niya, ang magiging dahilan upang mahuli siya ng detective at pulis” Sabin ng mafia. Nagbuntong hininga ang serial killer at hindi na sinundan ang assassin. *** Erica Tahimik akong naglalakad sa malawak na parke. Nagtago ako sa isang ride ng park na parang hot air balloon pero agad din akong umalis. Hindi safe manatili sa iisang lugar. Habang naglalakad ako ay may narinig akong tunog ng lata mula sa aking likuran kaya mabilis akong lumingon. Tanging ang ilaw lang ng mga street lights ang nagbibigay liwanag sa daan kaya naman mas lumakas ang kabog ng aking dibdib. Iniikot ko ang aking paningin sa aking likod ngunit wala akong makita, ngunit sa muli kong paglingon, "Boo!" Bigla niyang hinila ang aking buhok at mabilis na tinakpan ang aking bibig. Kinuha ko ang gunting sa aking bulsa at ginupit ang aking buhok at tsaka tumakbo papalayo. Gosh Erica! Ba't hindi mo na lang sinaksak sa kanya yung gunting, stupid. Dito ko lang napatunayan na kapag nakaramdam ka talaga ng matinding panic, mahihirapan sa pag-function ang utak. Gusto kong ipagsigawan ang pangalan ng killer pero hindi ko magawa dahil kinakabahan ako, I have an speaking anxiety o hirap magsalita kapag kinakabahan. "Tumakbo ka lang Erica! Tutal pinutol mo na ang buhok mo, ba't hindi na'tin isunod ang ulo mo!?" Sigaw niya. Tumakbo ako patungo sa bookstore, dahan-dahan ang ginawa kong hakbang at nagtago sa mga shelves. "Sige lang Erica, pagtaguan mo ako ubusin mo ang pasensya ko 'kingina ka!" Naririnig kong sabi niya kaya naman napatakip ako ng bibig ko. Sa bawat bigkas niya ng mga salita ay ramdam ko ang inis niya para sa akin. Tumingin ako sa itaas at may napansin akong isang tao—Si Raven. Maybe I can go to him for help. Tumakbo ako paakyat ngunit hindi ko sinasadyang mailaglag ang isang libro dahilan upang makagawa ako ng ingay na umalingawngaw sa buong lugar. "Thanks for the clue Erica!" Sinimulan ko ng tumakbo patungo sa taas at pansin kong nakasunod na sa akin ang killer. I don't want it to end this way. Sinusubukan kong habulin si Raven para humingi ng saklolo ngunit patuloy lang ito sa pagtakbo. Binuksan niya ang isang fire exit at nagtatakbo palabas. Dadaan din sana ako sa fire exit ngunit may isang bagay na bumaon mula sa aking balikat. "Bakit? Hindi ka makapagsalita? Nagulat ka ba?" "Alam mo kasi Erica ayokong pinatatagal ang ginagawa kong pagpatay, don't worry I'll be gentle." Bigla niyang siniko ang aking mukha dahilan upang mapaupo ako sa sahig at makaramdam ako nang pagkahilo. Dahil sa saksak niyang ginawa ay nanghina ang aking katawan na manlaban lalo na't walang tigil ang pagdaloy ng dugo mula sa aking balikat. Bakit gano'n? Pocket knife lang naman ang ginamit niyang pansaksak ngunit bakit parang baon na baon ito? Marahas niyang hinubad ang aking mga saplot. "Ganda ng katawan." Sabi niya sabay tadyak sa aking tiyan. Muli niyang inilabas ang hawak niyang kutsilyo at parang may inukit siya sa aking tiyan. "Killed by Assassin" Iyan ang isinulat niya. "Paalam na sa'yo Erica, gaya ng pangako ko sa'yo. Isusunod ko ang ulo mo." Itinapat niya ang talim ng kutsilyo sa aking leeg. "Teka parang ang boring naman ng pagkakamatay mo... Lagyan natin ng twist" Dahil nga nasa isang bookstore kami ay kumuha siya ng dalawang ballpen. "Unahin na'tin ang mga mata mong saksi sa kung sino ako," Pagkasabi niya 'yan ay naramdaman ko na lang na nagdilim ang paningin ko at ramdam ko ang pagbaon ng dalawang matulis na bagay sa aking mata. Malalapot na dugo ang dumaloy mula sa aking mata dahilan para magmukha akong umiiyak ng dugo. Hindi ko na nakita ang mga ginagawa niya pero pilit akong gumagapang palayo sa kanya. "Isunod naman na'tin ang bibig mong nawalan ng silbi kung kailan mo kinakailangan!" Sabi niya at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. Bumukas ang aking bibig at may bagay siyang pinainom sa akin... Isang Ballpen Ink. Nalalasahan ko ang pait nung tinta dahilan upang gumawa ako ng sunod-sunod na ubo. Ang mga ubo na 'yon... Wala pang ilang minuto ay may kasama na itong dugo. "Paalam na sa'yo Erica, ang mahihina, walang lugar para sa laro ng malalakas." Sabi niya at ginilitan na ako sa aking leeg.... Tuluyan ng nagdilim ang aking paningin. "Players it's a game over for Erica Hunter. Her identity is— innocent."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD