Chapter 36: Trial Phase pt. 1 Tomy Tahimik lamang kami na nag-a-almusal sa restaurant. Walo, Walo na lamang kaming natitira rito sa laro. Mula sa bilang na dalawampu't anim ay hindi ko inaasahan na kaming walo na lang ang matitibay na natira sa laro. Si Hannah, Chelsea, Crystal, Shane, Raven, Loren, Mario, at ako. Kung iisipin ay hindi naman talaga lahat sa amin ay deserving na makarating sa ganitong sitwasyon. Yung iba ay go with the flow lang. It’s a battle of deceiving anyway. Lahat kami mula umpisa ay nanggagamit lang ng tao upang makatagal kami sa larong ito. "Tomy ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Shane. "Magiging okay lang ang lahat. Don't boobs it." Habang tumatagal kami rito sa larong ito ay mas nakikilala ko si Shane, ngayon alam ko na kung bakit laging gusto ni Stacy na k

