Chapter 12: Trial Phase 3
Owen
Sa pagkawala ni Angel paniguradong karamihan sa amin ay nanlumo, pero anong karapatan nilang umarte? Eh kahit nga sila walang ginawa para protektahan si Angel. Magagaling lang makisimpatya pero hindi naman mga tumutulong para makaalis kami sa lugar na 'to. Hindi naman porke't kasing sinabi na may Detective at Police sa laro ay aasa na lamang sila rito.
We just lost someone who has an important role.
Bakit ba kasi sa dami naming mga players ay ako pa ang nabigyan ng ganitong kalaking responsibilidad? Pakiramdam ko kasi ay responsibilidad ko ang bawat buhay sa amin. Detective. Wow! It's a big word and I don't know kung deserved kong tawaging ganoon.
"Good morning Owen," Nabigla ako sa biglaang pagsulpot ni Crystal. “Nag-almusal kana?” Inabutan niya ako ng isang tasang kape. Crystal is an innocent dumb.
Her kindness is pure and parang hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang mga nangyayari, she's trying to go with the flow but I'm sure nandoon pa rin ang mga tanong sa kanyang sarili na, 'Bakit ako nandito?'
"Salamat." Simpleng tugon ko sa kanya at tinanggap ang inaalok niyang kape.
Nagkaroon kami ng panandaliang katahimikan at dinama ang sinag nang papasikat na araw. "Alam mo naiinggit ako sa'yo Owen," sabi ni Crystal. Wait, may bagay ba na dapat ikainggit niya? We're just in the same situation and there's no reason to be jealous.
"Bakit naman?" Hindi ko pa rin inaalis ang mga ngiti sa aking labi.
“Kasi may nagagawa ka para makaalis tayo rito,” tumingin siya sa kapeng hawak niya. “Hindi ko rin alam kung bakit maraming nagagalit at naaasar sa’yo, pero sa tingin ko’y ginagawa mo ang lahat para mahanap ang mga killers.
Ito ang unang beses na may kumausap sa akin at pinuri ako sa mga bagay na aking nagawa. "Marami talagang hindi matutuwa, ginagawa ko kasi ito sa maling pamamaraan," Hindi ko inaalis ang mga ngiting nakapinta sa aking labi. This is the best camouflage... I think?
Naglakad kami tungo sa hotel dahil malapit na naman nga palang magsimula ang trial, siguro ngayon ay mas babawasan ko na ang biglaang pagsasalita sa court. Ramdam ko kasing marami na ang natatakot sa akin and if I don't stop accusing, baka ako na ang sunod nilang patayin.
Pagpasok namin ay sinalubong ako ni Caleb, bakas sa mukha niya ang lungkot... Hindi ko nga alam kung paano pagagaanin ang loob niya, Hindi ako sanay magkalong ng isang kaibigan.
"Kasalanan ko kung bakit nawala si Angel," Bumuntong ako ng hininga dahil kagabi niya pa sinasabi ang mga salitang iyan. "Kun'di ko siya iniwanan ade sana nandito pa."
"Kung hindi mo siya iniwanan baka ikaw na ang nawala. H'wag mo ng sisihin ang sarili mo Caleb, Wala kang kasalanan, wala naman kasing nakakaalam ng mga susunod na mga mangyayari." Sabi ko sa kanya, I don't know kung tama ba ang mga ginagamit kong mga salita but I really want to help him, I want him to feel better.
Iniwanan ko na sila doon at kumuha ako ng aking almusal. Saglit na oras lamang ako nagkaroon ng time para makakain. Matapos kong kumain agahan ay kasabay nito ang pagtunog ng speaker
"Players please proceed to Trial court.”
This is the insane part of the game. At the same time this is is the most interesting para sa akin. Nakikita ko kasi ang mga priceless reaction ng aking kasamahan. Sinusubukan ko rin na hulihin ang mga killers sa pamamagitan ng reaksyon.
Sumakay kami sa elevator at saglit kaming nagkatinginan ni Mario, mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin. Pagpasok naming trial court ay ganoon pa rin ang pakiramdam, In all places here at the park, this is the creepiest.
Komportable akong umupo sa aking puwesto, galit man ang karamihan sa akin ay hindi naman nila ako puwedeng pagbintangan ngayong araw lalo na't sa buong gaming hour kagabi ay nasa hotel lamang ako.
Kaharap ko ngayon sa paikot na table ang mga players at kitang-kita ko ang mga ekspresyon ng kanilang mga mukha. May mga natatakot, may mga komportable lamang, at may ilan akong nakikita na para bang nababalot ng galit ang kanilang mga mata.
Sa aming dalawampu't isang natitira sa larong ito, hindi ko alam kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan. Sa larong ito, para kaming mga inosenteng bata na patuloy binubulag sa katotohanan. Hindi namin basta-basta makakamit ang kalayaan na aming gusto.
"Trial start!"
“Sino ang gumawa no’n kay Angel?” Tanong ni Raydin at napailing na lamang ako. Ang tanga. Sinong killer ang sasagot sa tanong niya?
"Raven, sa tingin mo ba may aamin? Like duh? Kung ako ba ang killer ilalaglag ko ang sarili ko sa walang kwenta mong tanong?" Sabi ni Stacy at umirap kay Raven... Magkatabi lamang silang dalawa pero hindi sila magkasundo.
"Don't start a fight guys," Pagsasalita ni Crystal, ito yata ang unang beses na narinig siyang magsalita sa trial, it's good for her dahil finally ay unti-unti ng nagsi-sink in sa kanya na dapat niyang laruin ang killer game na ito.
"Oh gosh! Nagsimulang magsalita ang santa!" Sabi ni Angel at umirap.
"So let's start this and tigilan na ang laro," Biglang nagsalita si Phil. "Base on my investigation ay Tubo at kutsilyo ang ginamit sa pagpatay kay Angel."
"Uhm, Halos kulay ube na rin ang mga binti ni Angel no'ng nakita natin, so maybe, the killer have a great physical strength." Sabi ni Tomy. Slowly ay may natutuklasan kaming mga bagay kapag sinasabi naming an gaming mga idea.
"By the way, mukhang isang pocket knife lang ang ginamit ng killer base na rin sa maliliit na wounds sa katawan ni Angel ngunit sa lalim ng mga saksak... tama si Tomy, malakas ang pumatay kay Angel." Sabi naman ni Terrence.
At this moment, analyzing the scenario from small details may helped pero it’s a waste of time. Pero sa ngayon ay nag-e-enjoy ako sa mga nakikita ko, I will zipped my mouth at this moment. Hihintayin kong may isang madulas. Malapit na... Sisiguraduhin kong ako ang unang makakahula sa unang killer.
"Pero mali rin naman yung mga conclusion niyo," Nagsalita si Stacy kaya naman napalingon ang lahat sa kanya. "I will share my idea lang,”
"Kasi babae si Angel at base na rin sa pagiging maputi nito, mabilis magkakapasa ang katawan niya. Tignan niyo ang gagawin ko sa katawan ni Shane." Hinatak niya ang kamay ni Shane na nasa kanyang tabi.
"T-teka ba't ako Stacy?" Pilit kinukuha ni Shane ang kanyang kamay kay Stacy ngunit mahigpit ang pagkakahawak ni Stacy.
"Aarte ka pa? Iyon na nga lang ang silbe mo sa mga oras na 'to... Akin na!" Sa huli ay napapayag niya rin.
Kumuha siya ng ruler at hinampas ang maputing braso ni Shane. Wala pang ilang segundo ay mabilis itong namula. "See? We, girls, have an sensitive skin, mabilis mamula ang mga balat namin. Maaaring sa ilang palo na gagawin ko kay Shane ay magkaroon na agad ito ng pasa at kung papaluin ko pa siya ng mas marami ay magkukulay ube talaga ito."
"’Di ko gets" sabi ni Tomy.
"Ibig sabihin nito ay hindi mo kinakailangan ng isang great physical strength... Ayokong ma mis-lead tayo na porke't sinabing strength ay lalaki na agad ang unang iisipin na'tin. Puwede ring babae" Paliwanag ni Stacy.
"Paano mo naman ipapaliwanag ang mga saksak ng kutsilyo?" Pagtatanong naman ni Terrence.
“Yung about sa kutsilyo... Paano ko nga ba ipapaliwanag hmm..." Tila nag-isip pa si Stacy.
Ako na ang sumagot ng tanong ni Terrence. "Depende naman iyan sa talas ng kutsilyo. Minsan hindi mo kailangan ng maraming puwersa pero dahil sa talim ng kutsilyo ay bumabaon talaga ito."
"30 minutes remaining. Clue for today... One of the killer doesn't use it's real name"
It’s all recorded. May specific time lang kung kailan magsasalita si Amanda. Pero sa buong trial na ito ay kay Stacy ako humanga. She’s bitchy pero bawing-bawi naman sa tulong na naibibigay niya.
"Let's end this discussion! Ikaw na lang Terrence ang maging suspect for today," Sabi ni Stacy at saglit na naghikab.
"T-teka ba't ako wala naman akong kasalanan!"
"Nasa amin naman kung mamamatay ko o hindi eh. We will save you. Ngayon kasi ay isa na ang sigurado, Isa sa mga killer ay babae at isa sa mga killer ay left hander. Madali na lang 'yan!" Sagot ni Stacy.
Isa pa ngayon ang ibinigay na clue ni Amanda, meron sa amin na hindi gumagamit ng kanyang totoong pangalan pero bakit kaya? At sino kaya?
Natapos ang umaga at pinili namin si Terrence bilang maging prime suspect. Pinindot ko ang Red Button upang iligtas siya.
Nalalapit na kami... Malalaman na namin kung sino ang mga pumapatay konti na lang