Chapter 33: Trial Phase 10 Raven Hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako sa kawalan at hindi ko lubos maisip na si Owen ang sunod na mawawala sa laro. We're all affected sa nangyari, para kaming isang ibon na pinutulan ng pakpak... Hindi na kami makakalipad, wala na kaming mararating. “B-bakit nangyari ‘to!?” Malakas na sinuntok ni Mario ang pader. "Hindi lang naman ikaw yung nawalan, kaibigan ko rin si Owen," Sabi ni Crystal. Bago pa tuluyan na magkainitan ang dalawa ay pumagitna na ako at pinatahimik sila. "Walang mararating 'yang pagtatalo niyo.” Masakit sa loob ko. Pakiramdam ko kasi ay ako ang may kasalanan sa pagkawala ni Owen. Kung hindi kami nagkaroon ng pagtatalo kagabi ay paniguradong nandito pa siya ngayon, kung sumunod lamang ako. Totoo nga ang laging sinasabi ni Owen..

