Chapter 29: Night 9 Tomy Nasa kwarto lang ako habang tahimik na pinagmamasdan ang kabuuan ng park. Saglit akong napatingin sa kalangitan at mukhang may nagbabadyang bagyo na darating. Dahil sa ginawang pagkukwento ni Stacy, hindi ko maiwasan na alalahanin ang nakaraan ko. Bata pa lamang ako no'n noong naulila ako sa aking mga magulang. Namatay daw ang nanay ko habang ipinapanganak ako, samantalang ang papa ay isang sundalo na namatay sa gyera. Nung pitong taong gulang ako ay namatay naman si lola Pising na siyang nag-alaga sa akin magmula nung bata ako. At the young age, naging miyembro ako ng isang sindikato na kung saan tinuruan ako nang iba’t ibang paraan nang pagnanakaw, tinuruan nila akong magtanggal ng lock at kung paano mag-diffuse ng bomba. Gusto kong maging lider upang mapro

