Chapter 27: Trial Phase 8 Tomy Maaga akong nagising ngayon para muling pumunta ro'n sa main office. Kailangan ko masigurado ang mga nakita ko kahapon, kailangan ko ng pruweba na may kinalaman si Stacy at Shane sa mga nangyayari ngayon. Halos papasikat pa lang ang araw nung dumiretso ako sa main office at muli ko itong binuksan. Pagkapasok na pagkapasok ko ay nanlaki ang aking mga mata. Halos naka-organize na ang lahat ng mga gamit dito. Hindi na ito katulad no'ng nadatnan ko ito na sobrang g**o at amoy mga lumang papel. Kinatikot ko ang bawat kahon nito. “Nasaan na yung folder?” Tanging mga blueprints na lang ng mga rides ang nandito at nawala na ang aking pakay. “Bwisit, naitago na ng killers ang hinahanap ko,” Malakas kong sinipa ang desk. “Kung itatago ng killer ‘yon ay panigu

