Chapter 21: Trial Phase 6 Owen “Owen, kumain ka muna,” Sabi ni Chelsea. “Pare-parehas kayo ng mga kaibigan mo na nagkukulong sa kwarto,” Hindi ko alam kung paano nakapasok si Chelsea sa kwarto ko, maybe, I forgot to locked my room. “Leave me alone.” Sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang nangyari kay Caleb, hindi ko maiwasang isipin na ang wala kong kwentang tao. Pinipilit kong iligtas ang lahat ng tao rito sa park na 'to pero ang simpleng tao na itinuring akong kaibigan... Hindi ko nailigtas. “Okay but I will leave the food here.” sabi ni Chelsea at naglakad palabas. May pake sila sa’kin? Arte lang ‘yan! Baka nag-aalala lang sila na mawalan ako ng interes sa laro at mahirapan sila makaalis. Hindi ako tanga, alam kong ginagamit nila ang talino ko. Ang utak ko ang mahalaga para

