13

1494 Words
WALANG pasok ngayon kaya naisip kong libangin ang sarili ko ng mag-isa para maiba naman. Minsan kailangan din may me time. Hindi kasama sila Xander, Rafa at Kera. Isa pa mukhang nagkaka mabutihan na si Rafa at Kera sa isang linggong inoobserbahan ko sila. Ayoko silang pangunahan sa mga magiging ganap o desisyon nila sa buhay. Malalaki na sila, alam na nila ang tama at mali. May masaktan man saka ako reresponde. Doon ako manghihimasok. Nag commute lang ako papunta ng Baguio. Nakita ko lang sa t****k ang pinagkakaguluhang coffee shop rito na tinawag na love is blind. Na-intriga ako kung bakit pinagkakaguluhan pero mas interasado akong malaman kung bakit ganun ang pangalan ng coffee shop. Pumila ako ng counter para umorder ng kape at cake. Habang nag-aantay ng turn ko, nasa phone ko lang ang mga mata ko. Napunta ako sa f@cabook hanggang hindi ko namamalayan nasa search ko na ang pangalan ni Avry. What the hell, Ice? Stalker na ba ako ngayon? Pero titignan lang naman. Hindi siya naka private kaya nakita ko ang profile niya hanggang mapunta ako sa mga photos nito. Panay lang ang scroll ko pababa ng matigil ako sa isang kumuha ng atensyon ko. Sino siya? Ang ganda ng kasama ni Avry sa picture pero mas maganda siya. Iba ang ganda niya roon at sobrang saya ng mukha niya. Ang liwanag, ang aliwalas, halatang walang kaproble-problema. Malayo sa binansagan kong four eyes at creepy girl. Kapansin pansin ang pagiging malapit nila ng babae habang isa-isa kong nakikita ang mga photos nila na kinuha sa iba't ibang lugar. Na-confirm ko ang tumatakbo sa isip ko ng makita ko ang isa pa nilang kuha na magkahawak kamay at magkalapat ang mga labi. Sila! Girlfriend ito ni Avry walang duda. Pero asan na siya ngayon? Napaisip din ako sa itsura ng babae. May kahawig siya pero di ko maalala kung sino o saan ko nakita. "Miss! Miss!" "Ai! Sorry po.." Ako na pala ang kausap ng kahera. Nakakahiya tuloy. Nang makapag bayad ako sa babae sunod akong naghanap ng bakanteng table. Punuan dito sa loob kaya tinuro ako ng staff sa labas. Ang ganda. Isang garden ang extension ng coffee shop. May swing sa gilid na katabi ng punong hindi ako familiar pero ang daming bulaklak at dahon. May fountain na maliit din sa kabilang banda. Papunta sana ako roon pero naunahan ako ng mag jowa. Mga PDA. Naghahalikan kahit may tao sa paligid. Never man lang ako naging ganun sa mga ex ko kahit pa kay Drei. Nang makahanap ako ng pwesto bumalik ako sa kaninang tinitignan ko. Napamaang ako ng makita ko ang black glasses ni Avry. With caption.. Happy 1st Monthsary.. My Future Wife.. Regalo pala yun sa kanya ng girlfriend niya, kaya naman pala kahit sira na suot suot pa din. Pero nung isang araw nakita kong ayos na yun. Pinalitan lang yung salamin pero yun pa din ata ung frame. May sentimental value kaya pala ganun. Kupal din ang Alexa na yun at nagawa niyang apakan yun. Bat kaya nya yun ginawa. Mukhang close sila ni Avry, meaning alam niya kung gaano kahalaga kay Avry yung salamin na yun. "Ang sarap..Hmm..," wala sa sariling nasabi ko ng matikman ang kape. Kaya pala pinagkakaguluhan kasi worth it. Pati ang cake..Tamang tama lang ang tamis at linamnam. Gosh. Nakakain love ang feeling. Idagdag mo pa ang refreshing, breathtaking ambiance ng shop. Sariwang hangin na dumaan sa mga bulaklak kaya naging mabango pagdating sa ilong. Halos nakita ko na ata lahat ng post ni Avry ng bumalik ako sa profile niya. Tumaas ang kilay ko ng makita kong may bago siyang post. What?? May hawak siyang kape!! Love is Blind ang brand na naka print sa mug. She's here! One minute ago ung post. Bigla tuloy naging aligaga ang mga mata ko pero wala siya sa paligid. Bumalik ako sa phone ko sa profile niya. May bagong post ulit. Picture nila ng girlfriend niya na may caption na I miss you, and you will be forever in my heart. Nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko ng mabasa iyon. She's straight, she said. Now I know bakit niya yun sinabi, bakit siya nagsinungaling. Perhaps the truth was someone already owned her heart. Someone that she loves. Para hindi na ako magtangka pa sa kanya. Inaalay niya ang puso niya sa babaeng yun, Pinoprotektahan inilalayo sa kung sino man para sa babaeng yun. Doon pa lang malabo na akong manalo sa challenge sakin nila Rafa. Dapat ko na sigurong tigilan yun. Ilang araw ko na din namang hindi nakakasalamuha si Avry. Absent siya nung may klase kami sa Physical Education—Wala nga din si Alexa nun ei. "What are you doing here?" Napa angat ako ng mukha at agad tinago ang phone ko ng si Avry ang makita ko. Fuck! Nakita ba niya na ini stalk ko f@cebook niya. . "Can I sit with you?" Tumango ako. Himala ata. Tsaka iba yung awra ng mukha niya ngayon. Mukhang good mood siya, tsaka... Bakit parang ang ganda ganda niya? Uminom siya sa kape niya bago nagsalita. "How did you know this place?" "Sa tiktok." sagot kong itinuon ang mata ko sa mug na hawak ko. Ubos na yun pero maigi ng doon bumaling. "Who's with you?" Nag angat ako uli ng mukha. "No one." Sabay balik sa dati. "How about you? Kasama mo girlfriend mo?" Mentally napa facepalm ako sa di ko napag isipang tanong. "No.." Napayuko angat ito ng mukha. Nahalata kong may konting lungkot sa parteng iyon ng mga mata niya na pilit kinukubli. "Why?" Bigla ko na lang natanong na parang di ako makukuntento kapag hindi ko nalaman ang sagot sa tanong sa utak ko na hindi ko naman alam kung ano nga ba. Ang gulo diba? Huminga siya ng malalim bago bumaling saken. Ang lalim naman ng pinanggalingan nun. "She's in heaven now.." Oh damn! Ang daldal mo kasi Ice. "S-sorry to hear that. I didn't know." Ngumiti siya ng payak at nawala din naman. "It's fine. I met her here.. Mga bata pa lang kami." Memorable din pala sa kanya ang lugar na to. "She said yes, here, too." Tama na. Ayoko ng marinig. Bakit parang naaapektuhan ako. Tumigil ka Ice! Banta ko sa sarili ko. "I-I thought straight ka.." Natawa siya sa sinabi ko at saglit na napayuko pero bumalik din naman ang tingin saken. Matutunaw ata ako. Kitang kita ko ngayon ang magaganda niyang mata dahil wala siyang suot na salamin. But I think naka clear contact lense siya. "Do you want to know why I'm here?" Bakit niya yun tinatanong? Pero sige tatango na lang ako. "Wala ako ng last meeting natin sa PE kasi nasa cemetery ako. I visited her, and now I came here to bid my goodbye, I guess.." Nakita ko ang paggalaw ng kamay niya sa mug na tila doon niya binubuhos ang lahat. "I have to move on in my life a-and I can only do that if I let her go, Ice." Ito ang unang pagkakataong tinawag niya ako sa pangalan ko. "Alam mo bang kami ang nagpangalan sa coffee shop na'to?" Lumibot ang mga mata niya sa paligid. "Halos palugi na ng maging close namin yung may ari. Tinulungan namin siya ni Alexandra i-market ito noon." Naka tingin na siya ngayon sa mug na hawak habang ako naman nakatitig lang sa kanya. "Love is blind kasi nahulog daw siya sakin kahit wala naman ako nung mga katangiang hinahanap niya," may pait niyang hayag. Sa tono ng pananalita niya mararamdaman mo talagang minahal at mahal niya si Alexandra. "Aso't pusa kasi kami noon. First met pa lang namin dina maganda..." Natigilan siya saglit dahil sa pagtawa. "Nabuhos ko kasi sa kanya yung mainit na kape. Nataranta ko..Ang cute niya kasi." Ngayon ko lang napag tantong ang daldal pala niya. Hinahayaan ko lang siya magbalik tanaw kasi feeling ko kailangan niya. Kahit medyo parang hindi magaan sa pakiramdam ko. "Andito ba ngayon yung may ari?" Para maiba naman yung topic. Ang sama ko ba? Sandali siyang natahimik. "I guess namiss niya si Alexandra kaya sumunod na.." Nabigla ako ng bahagya. Nag-alala ng konti para sa kanya. Bat ba kasi yun ang naisip kong tanungin. "I'm sorry to hear that again-" "It's fine.." Putol niya saken tas nginitian niya ako. "Pinamana na sa akin ni Lola itong coffee shop." "Lola?" Napaisip kasi ako baka pumunta na sa heaven si Lola kasi need niya na magpahinga. "Her name was Lola. She died of breast cancer," isang paimbabaw na ngiti nanaman ang nakita ko sa kanya. Ewan ko pero parang may sariling buhay ang kamay kong napunta sa kamay ni Avry at lakas ng loob na haplusin ito. "I'm here, Avry. You are not alone," bigla na lang yun lumabas sa bibig ko. Isang genuine smile ang ginanti sa akin ni Avry. Nagdala iyon ng kakaibang saya sa dibdib ko na hindi ko lubusang maipaliwanag. Para siyang achievement unlocked.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD