"Hoy!" Bigla na lang ang sulpot ni Kera. Nasa quadrangle kasi ako. Iniwan ko sila kanina ng marinig kong walang klase kasi nasa meeting ang mga professor. After lunch pa ang balik namin. "Kayo naman na pala ni, Val. So, bakit gusto mo pang umurong sa deal?" Natahimik ako at walang saktong maisip isagot. Bakit nga ba? Ang alam ko lang, ayokong lokohin siya. Hindi ko kayang lokohin siya. Kung nung una okay lang ngayon kasi iba na. Napabuntong hininga na lang ako. Yumakap sa mga binti ko at sinandal ang chin ko sa tuhod. "May balak ka bang kausapin ako?" Tapik nito sa braso ko. "Asan yung dalawa?" Pagbabalewala ko sa mga binabato niyang tanong sa'ken. "Umuwi na muna si Rafa kasi first day niya, masakit ang puson," tumango lang ako," si Xander naman, ewan ko dun. Wala sa mood." Nai

