Daisy's POV "ANO'NG pinagsasabi mo, sweetie?" Hindi makapaniwalang tanong ni mommy. Napasulyap ako kay Daddy George. Tumikhim ito. "May dapat kang malaman, Divine. Pati na rin kayo...mga anak, Hailey, Letecia at ikaw Daisy." Napansin ko ang pagtataka sa mukha nina Ate Hailey, at Letecia. "Prior to that, may we address the topic of discussion you requested for us to engage in?" "Daisy, kailangan ko ng sabihin ito. T'saka na lang iyong balita na gusto sana naming sabihin sa'yo," sagot ni Daddy George. "Dad, alam ko na ang totoo. Mas maigi na sila ang kausapin mo. Dahil walang problema sa akin. Good luck, daddy," nakangiting ani ko rito. Pansin ko ang gulat sa mukha nina Mommy Divine, Ate Hailey at Letecia. "George, ano ba talaga ang nais mong sabihin?" seryosong tanong ng aking ina.

