Eunice POV Nanatili akong nakaupo sa waiting area. Hinihintay ang pagdating nina Hailey at Letecia. Ang totoo nagulat ako nang malamang ang babaeng muntik ko ng mabunggo ay ang babaeng hinahanap pala nila. "Eunice!" Napalingon ako sa kinaroroonan ng boses. Nakita ko sina Hailey at Letecia. Agad na tumayo ako sa couch na kinauupuan ko. "Ate Hailey, Letecia!" Ani ko. Lumapit ang mga ito sa akin. "Nasaan na si Ruth Sandoval?" "Sad to say pero critical ang lagay niya. Hindi ko nga rin inaasahan na makunan siya," malungkot kong sagot dito. "Ano?!" Bulalas ni Letecia. "Naku, paano 'yan? May kamag-anak ba siya na nakontak mo?" tanong ni Ate Hailey sa akin. "Oo, ang asawa niya." "Nasaan?" "Nasa may hardin kasama iyong ina." "Naku, kawawa naman." Nagpakawala na lamang ako ng isang mala

