Daisy's POV Kinakabahan ako habang nakahiga sa naturang hospital bed. "Relax, Ms. Parojinog. Don't worry, I will make sure na hindi ka magsisi sa serbisyo ko," ani ng kaibigan ni Letecia na surgeon. "Thank you, hindi ko lang mapigilan na kabahan," sagot ko rito. Salamat sa matingkad nitong ngiti dahil tinanggal nito ang aking takot. Kasalukuyang nasa waiting area naman naghihintay ang aking mag-ama. Ang totoo, ayaw ko na sanang baguhin pa ang aking hitsura pero mas gusto kong maging masaya si Nathan. "Like what I told you, we consume 5 hours for the operation," paalala sa akin ng baklang surgeon, si Vince. Pagdakay, lumapit sa akin ang isang assistant nito at inalalayan ako para turukan na ng anesthesia. Inayos nito ang aking kabilang braso for the anesthesia. "Relax lang po, ma'am

