Nathaniel POV TILA nagkaroon ako ng kapanatagan nang makitang papunta sa police station ang kotseng sinakyan ng aking mag-ina. Ibig sabihin ligtas na ang mga ito. But how? Mas lalo ko pang binilisan ang aking pagtakbo. Hanggang sa maabutan ko ang van na kotse na ngayo'y sinundan ko. At makalipas ang ilang minuto ay narating namin ang isang police station. Huminto ako at ipinarada ang kotse sa isang parking space. Nagulat ako nang bumaba ang isang lalaki. Takot na takot ang mukha nito, saka naman lumabas si Daisy na may hawak na baril na kasalukuyang nakatutok sa naturang lalaki. Lumabas din sina Aling Lorena habang inis na sinisipa ng anak kong si Andrei sina Helena at ang isang lalaki na ngayo'y nakatali ang mga kamay. "Daisy!" Sigaw ko. Saka naman lumapit ang mga pulis sa mga su

