KABANATA 5
Beautiful
Alondra's POV
"Ahhh!" Sigaw ko nang maramdaman ang sakit.
Narinig ko ang pag-ngisi ni Mayor Alarcon ngunit hindi ko pinansin iyon at pinagpatuloy ang pag-dama ng sarap.
"Dahan-dahan 'lang." may pagka-sakit sa aking tono ngunit ramdam din naman ang pagka-sarap.
"Aray! Sige,diyan diyan!" Sabi ko.
"Diinan mo pa! Diin pa!" May Pagmamakaawa sa boses ko.
Narinig ko ulit ang pag-ngisi ni Mayor Alarcon. "You're getting too loud, Alondra! Lower your Voice, Please? Baka may makarinig!" Utos nito.
Kahit na Madilim ang Kwarto kung nasaan kami ay alam ko namang malapit 'lang siya saakin. Pumikit lamang ako nang marahan at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Ma'am, saan pa po ba ang masakit?" Boses ng babae ang naririnig ko. "Dito ho ba? Hihilutin ko na po, Ah?"
Tumango ako kahit na alam kong hindi naman niya ako nakikita.
"A-aray!" Sigaw ko nang hilutin niya ang parte ng likod ko kung saan ay nararamdaman ko ang lamig.
Pagka-tapos naming pumunta sa mall para bumili ng damit kanina ay dito ako dinala ni Mayor. Buong Akala ko ay May Ibang ibig sabihin ang sinabi niyang 'fun' heto 'lang pala.
Inisip ko nung una na may masama siyang balak o di kaya'y may pina-plano siya. Malay ko bang Dito 'lang pala kami pupunta. Ito naman kasing si Mayor may nalalaman pang 'We'll just going to have some fun'. Masyado pa naman akong GreenMinded.
"Salamat po, Ma'am and Mayor."
Matapos kaming magpa-masahe ay naisipan ni Mayor na Umalis din naman kaagad. May pupuntahan daw kasi siya at mukhang makikipag-kita 'don sa Nakilala niyang babae kanina sa Mall. Siya ang nagbayad ng lahat dahil siya naman ang nagdala sa akin dito kaya dapat 'lang na libre niya.
Hindi pa kami nakakalabas ng Thai Royale Spa ay nagsalita na naman ang mga staff na kanina pa kami inaasar ni Mayor sa isat-isa.
"Mayor, Ma'am, Stay strong po sainyo!" Pang-aasar ng mga staff na nakasuot ng blue na polo shirt at mukhang iyon ang kanilang uniporme.
Namilog ang mata ko at sunod-sunod na umiling upang itigil na nila ang kanilang pang-aasar. Stay strong? Diba para sa mag-syota 'lang salita iyon? Hindi ko naman boyfriend si Mayor!
Mabilis na lamang akong naglakad at halos maunahan ko na si Mayor sa Parking Area. Kanina ko pa siya nakikitang pangisi-ngisi habang tumitingin sa akin sa hindi ko malamang dahilan.
May nagawa ba akong katangahan kanina?
Holy s**t!
Natandaan ko, ang ingay ko pala kanina habang minamasahe kami! Para akong baliw na sigaw ng sigaw at ungol ng ungol, habang tawa naman ng tawa si Mayor. Nakakahiya!
Nang mapagtanto ko kung bakit pangisi-ngisi si Mayor ay halos itago ko ang mukha ko upang hindi ako mapatingin sakanya. Kaya siguro siya ngisi ng ngisi dahil sa kabaliwang nagawa ko kanina! Dapat pala hindi ko na 'lang pinansin ang pag-ngisi ni Mayor para hindi ko na 'lang naalalang para akong tangang ginagahasa kanina.
May nalaman-laman at pagsigaw pa akong, "Ang sarap." Ugh! Nababaliw ka na talaga Alondra! Anong nangyayari sayo? Where's your finesse and lady attitude? Bakit parang loka-loka na ako ngayon?!
Pangisi-ngisi parin si Mayor at saka niya binuksan ang Passenger seat para makasakay ako. Nung una'y medyo nagtaka pa ako kasi hindi naman niya ako pinagbubuksan ng pinto, gusto ko sanang puriin ang good mood niya ngayong araw kaso nakita ko na naman iyong ngisi niyang nang-aasar.
"Tumigil ka, Mayor, wag mo akong pagtawanan!" Napanguso ako habang gusot noong nakatingin sakanya.
Naiinis ako sa pang-aasar na ngisi ni Mayor pero hindi ko naman maiwasang hilingin na sana'y araw-araw ganito na 'lang ang mood niya at hindi yung palagi na 'lang siyang masungit at suplado. Mas maganda ang aliwalas ng mukha niya ngayon dahil sa pag-ngiti at pagtawa niya.
Pumasok na lamang ako sa loob ng Kotse at nang maisara ni Mayor ang pinto ay umikot siya upang sumakay sa Driver's seat. Inistart na niya ang kotse at kalaunan ay inandar narin naman ito paalis.
Nakasandal 'lang ako sa aking kinauupuan nang biglang magtanong si Mayor.
"You Want to Eat, Alondra?" Napatingin ako kay Mayor nang marinig ang kakaibang tono ng kanyang boses. Hindi iyon malalim at nakakatakot. Mahinahon 'lang at parang hindi siya maka-basag pinggan kung magsalita ngayon.
Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Hindi ako sanay na ganito si Mayor. Nagda-drive 'lang siya pero pasulyap-sulyap parin naman sa akin upang ipahiwatig na hihintay niya ang sagot ko.
"Why are you in a good mood today, Mayor? Ang bait mo ata?" Natatawa kong sabi habang nakatingin sakanya.
Pansin ko ang pag-gusot ng kilay niya. nanatili siyang nakatingin sa daan bago nagsalita, "Bakit hindi ka na 'lang magpasalamat kasi ang bait ko sayo ngayon, Alondra?" Ramdam ko ang unti-unting pagbabalik ng normal niyang ugali.
Lalong kumunot ang noo ko. Ilang segundo ang tinagal bago ko naisipang magsalita.
Napanguso ako at napatango sakanya, "Okay. Thank you....saan tayo kakain?" I smiled cutely at him.
Saglit siyang sumulyap sa akin at napakunot ang noo niya nang makita ang ngiti sa aking labi. Mukhang dapat ay hindi ko na lamang siya inasar, kasi feeling ko ay babalik na ang totoong Mayor Alarcon.
"Never mind. Umuwi ka na 'lang, nagbago na ang isip ko." Seryoso at pulido niyang saad habang nasa daan ang tingin.
Pinanliitan ko siya ng mata bago napairap at napasinghal. Tinuon ko na lamang ang mga mata ko sa labas ng bintana hanggang sa makadating na kami sa Hotel na tinutuluyan ko.
Bumaba ako sa kotse at ganon din naman si Mayor. Umikot siya at nagtungo sa trunk ng kanyang kotse at saka kinuha ang mga pinamili naming damit. Lumapit ang isang Lalaki sa amin at saka tinulungan si Mayor sa pagbubuhat ng mga paper bags.
Pagkatapos ay sa akin naman Lumapit si Mayor, seryoso 'lang siya at Sigurado akong ang totoong Mayor Alarcon na ang nasa harap ko ngayon, hindi na iyong nasasapiang Mayor kanina. Masungit na kasi siya ulit, e.
"Make sure to look pretty tomorrow. Hindi 'lang kita Sekretarya, ikaw na rin ang First Lady ko. Naiintindihan mo?" He used his normal deep toned of voice.
Tiningnan muna ako nang seryoso ni Mayor sa mga mata bago siya bumalik sa loob ng kotse at mabilis na pinaharurot ito paalis. Hindi 'man 'lang ako hinintay magsalita? Tsk.
-
-
-
-
-
-
-
Mayor Alarcon's
"Make sure to look pretty tomorrow. Hindi 'lang kita Sekretarya, ikaw na rin ang First Lady ko. Naiintindihan mo?" Ginamit ko ang malalim, seryoso at husky kong boses.
Tiningnan ko si Alondra sa mga mata. Hindi ko mapagkakailang magaganda ang mga matang iyon. Sa katunayan, Maganda din naman si Alondra. Maputi. Matangos ang ilong at Makinis ang balat. Im just too coward to admit she is beautiful. May kakaiba kasi akong pakiramdam sakanya, hindi ko maipaliwanag.
Matapos kong makipagtitigan ng ilang segundo kay Alondra ay bumalik nadin naman ako sa loob ng kotse at mabilis itong pinaharurot paalis. Umalis ako nang hindi ko 'man 'lang hinihintay ang sagot ni Alondra. I know she understand what I mean. Hindi naman siguro siya bobo?
Ewan ko. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Kapag tumitingin ako sa mga mata ni Alondra ay parang nakakaramdam ako nang hindi ko maipaliwanag na galit. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nararamdaman sakanya, basta ang alam ko 'lang ay may kakaiba sa babaeng iyon. Kakaiba.
Habang nagda-drive ay hindi ko din maiwasang maalala si Glen. Kanina, nung namimili kami ng damit ni Alondra, naalala ko si Glen sakanya. Parehas na parehas sila kung paano tumingin sa damit. Para bang pinapakiramdaman nila ang mga tela at ang textura ng mga ito. Hindi ko maipaliwanag.
Is it because I miss Glen kaya naiisip ko siya? Pero bakit kay Alondra? Ilang taon naring nawala si Glen. 2 years, I think? Matagal-tagal na iyon pero yung sakit sariwa parin sa puso ko.
Tandang-tanda ko pa noon kung ano ang dahilan ng pagkamatay niya. She has a Younger Sister, it was Amara. Mahal na Mahal niya ang kapatid niyang iyon. Sobrang mahal! Sa sobrang mahal niya ay halos masaktan siya ng sobra nang maglayas ito at lumayo sa pamilya nila.
At Dahil Mahal niya ito ay Hindi siya tumigil sa kakahanap sa kanya. Kung saan-saan niya ito hinanap hanggang sa isang araw, sa pagiging desperada niya sa paghahanap ay naaksidente siya. It was a car Accident.
Sobra akong nanlumo noong araw na iyon. Kahit may trabaho at busy ako ay isinantabi ko ang lahat ng iyon at pinuntahan agad si Glen sa hospital. Akala ko noong una'y maliligtas pa siya. Akala ko dahil mabuti siyang tao ay ililigtas siya ng diyos. Akala ko. Akala ko!
Pero hindi! Hindi kasi namatay din siya! Dead on arrival. Sobrang sakit! Sobrang sakit dahil yung taong mahal ko ay namatay. Sobrang sakit dahil yung taong iniingatan ko naaksidente. Sobrang sakit dahil yung taong naging Sentro ng mundo ko ay nawala at binawi din ng diyos sa akin!
Galit na galit ako sa sarili ko noong panahong iyon! Kung sana'y sinamahan at dinamayan ko 'lang siya, hind sana siya napahamak. Kung sanay'y siya ang mas pinili at inuna ko kesa sa trabaho ko edi sana ay nakaligtas siya sa aksidente. Edi sana kasama ko pa siya ngayon!
Ang gago-gago ko! Ang gago ko!
Pero alam kong hindi ko dapat sisihin ang sarili ko. Isang tao 'lang ang may kasalanan nito. Isang tao 'lang ang dahilan lahat ng ito. Isang tao 'lang ang dapat kong sisihin. Ang kapatid niyang si Amara.
Nang ihinto ko ang kotse sa parking area ng Long Bar Makati ay napabuntong hininga ako sa kawalan. Walang bakas ng pamumuo ng luha sa aking mata dahil sinabi ko sa sarili kong hindi na ako iiyak. Ipinangako ko din sa sarili kong sa oras na makilala at makaharap ko na ang kapatid ni Glen na si Amara ay titiyakin kong siya ang iiyak at magdudusa.
Nang makababa ako sa aking kotse ay agad akong dumeretsyo sa Loob ng Long bar. Kaunti 'lang naman ang taong nandito kaya dito ko naisipang makipag-kita sa babaeng nakilala ko kanina sa Mall.
She's pretty and sexy, mukhang magaling naman. Naisip ko kasing kailangan ko ng mag-relax dahil dalawang gabi na akong hindi nagkakaroon ng babaeng ikakama. Im stressed this past few days because of our meetings kaya ngayon ay panahon na para muling magpasarap.
Habang wala pa si Nadine ay naisipan kong uminom muna. Kailangan ko ng pampainit sa katawan para mas dumoble pa ang sensyasyong mararamdaman ko mamaya. Naka-Apat na beer na ako pero hindi ko parin nararamdaman ang pagka-lasing. Dahil siguro sa sanay na ako, kaya nagdagdag pa ako ng pang limang beer.
"Ahhh! Ahh! Ahh!"
Sunod-sunod na ungol ang pinakawalan ng babaeng nakaupo sa ibabaw ko at nilalabas pasok ang kanyang p********e sa akin. Nasa loob kami ng kotse ni Nadine at nasa back seat kami gumagawa ng milagro.
Nakaupo 'lang siya sa harap ko habang hubot-hubad at hindi siya mapakali sa aking ibabaw. Sarap na sarap siya at alam kong hindi 'lang siya ang nakaranas nang ganito kasarap na pakiramdam, dahil gaya niya ay naramdaman din ito ng mga babaeng nakama ko na noon.
Nakahawak 'lang ako sa beywang ng babae hanggang ilipat ko ang kanan kong kamay sa isang dibdib niya. Habang gumagalaw si Nadine sa aking ibabaw ay bahagya kong inilapat roon ang aking labi at pinaglaruan ang tuktok ng kanyang dibdib. Mas binilasan pa ni Nadine ang pag-galaw sa ibabaw ko hanggang sa parehas na kaming napagod dalawa.
Kung kanina ay hindi ko ramdam ang kalasingan, ngayon naman ay unti-unti ng umeepekto ang alak sa akin. Nararamdaman ko na ang pagkahilo at hindi narin ako makapag-lakad ng maayos papunta sa aking kotse.
Nang matanaw ang aking kotse na nakapark sa parking area ay tuloy-tuloy 'lang akong naglakad kahit paekis-ekis na ito. Malapit na sana ako sa kotse nang biglang may tatlong lalaki ang humarang sa aking dinadaanan.
Tiningnan ko sila isa-isa pero dahil sa kalasingan ay lumalabo na ang kanilang imahe. Magpapatuloy na sana ako ng lakad at hindi sila papansinin nang biglang may tumulak sa akin kaya halos matumba ako dahil sa pagkahilo.
"Mayor Alarcon! Tsk. Tsk. Tsk." Sabi ng isang lalaki at nakita kong pailing-iling pa siya.
Nag-angat 'lang ako ng tingin sakanya hanggang sa sumenyas siya sa dalawa niyang kasama. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng pagsenyas niya pero nang lumapit sa akin ang dalawang lalaki at pinagsusuntok ako ay mukhang iyon ang sagot.
Patuloy nila akong sinusuntok hanggang sa makahiga ako sa lupa. Sinubukan nila akong itayo pero dahil narin siguro sa bigat ko ay hindi na nila nagawa kaya pinalaunan na lamang nila ako ng sapak sa mukha.
Sinubukan kong igalaw ang kamay ko upang makapanlaban sana kaso dahil nga sa sobrang kalasingan ay hindi ko na kinaya. Tuloy-tuloy 'lang sila sa pagsuntok hanggang sa huminto sila at mukhang napagod na.
Ramdam ko ang hapdi sa mukha ko dahil sa mga suntok. Unti-unti kong naramdaman ang panlalabo ng aking mata pero bago pa ako mawalan ng malay ay narinig ko ang sinabi ng isang lalaki.
"Tawagan mo si Boss, sabihin mo matatauhan na 'toh." Sabi ng isang lalaki bago sila naglakad paalis.
Unti-unti na akong nanghina at hindi ko na alam ang susunod na nangyari sa akin. Ang tanging naging malinaw 'lang sa akin ay kumatok ako sa isang pintuan at nang bumukas iyon ay bumungad sa akin ang isang babae. Nanlaki ang mata niya nang makita ako pero bago pa siya magsalita ay nakaramdam na ako ng panghihina, mabuti na 'lang ay nasalo niya ako.