KABANATA 1

2227 Words
KABANATA 1 Redroom. Hawak-hawak ko ang Pinatimpla kong Kape sa aking Kasambahay at paunti-unting humihigop rito habang Nakaharap ako sa aking Loptop. Nasa loob ako ng aking Opisina dito sa sarili kong Mansion at abalang-abala sa pag-aayos ng trabaho ko sa Munisipyo. Ilang segundo ang lumipas nang marinig ko ang marahang pag-bukas ng pintuan. Unti-unti akong lumingon upang alamin kung sino ang pumasok. Napatango ako bilang pagbati nang makita kung sino siya. Ibinaba ko ang mug na hawak ko at saka ipinagsalikop ang aking mga kamay. "Dala mo na ba ang ipinakuha ko?" Seryoso at walang emosyon kong saad. Narinig ko ang yapak ng Body Guard kong si Fernan palapit saakin. Hinintay ko 'lang siyang magsalita habang nagbabasa ako sa Laptop ng mga pinadalang files sa aking email address. "Yes, Mayor." Aniya bago Inilapag ang Brown Enveloped sa aking lamesa. Tiningnan ko iyon ng ilang segundo bago naisipang kunin. Unti-unti ko iyong Binuksan at saka nakita ang mga Papel na nasa loob. Mga Papel at kung ano-ano pa. Lahat ng bagay na tungkol sakanya ay naririto. Kinuha ko ang Isang Papel kung saan nakalagay ang Resume niya at agad na binasa ang mga nakasulat roon. Hindi ko maiwasang mapangisi nung binasa ko iyong pangalan niya Alondra Isabella Aguas. Oh.....Alondra is her name, huh? What a pretty name. She looks familiar, really. Ewan--para siyang pamilyar na hindi naman talaga pamilyar. Nakakalito. Age: 21 Years Old. Height: 5'6 Weight: Normal Skin Color: Pinkish. Napagusot iyong mukha ko nang mabasa ang nakasulat sa papel.....Wtf! Is This Even Real? Skin Color Pinkish? Napailing na lamang ako sa kawalan at saka binaba ang mga mata sa susunod na impormasyon. "Walang Magulang?" Tinaas ko ang aking kilay habang binabasa ang nakasulat sa Guardians ni Alondra. Parents: Not answered. "Matagal na raw Patay. Car Accident." Aniya. Napakunot ang noo ko, "bakit hindi nakasulat ang pangalan ng mga magulang niya dito?" I asked, curious. Hindi nasagot ni Fernan ang tanong ko dahil biglang may nagbukas ng pinto. Sabay kaming napatingin roon at saka nakita namin si Fidel na bahagyang ipinasok ang kayang ulo, upang ipaalam na siya iyon. "Mayor, nariyan na po siya sa labas." Sabi ni Fidel. Nariyan na pala siya. Mas mabilis siya sa inaasahan ko. Ano kayang hinanda niya para sa akin? Tumango ako. "Paderetsyuhin mo sa Red Room. Make Sure, na Hindi siya maiinip." Sabi ko. Agad namang Tumango si Fidel atsaka inialis na ang Kanyang Ulo at isinarang muli ang pinto. Binaba ko ang mga papel na hawak ko at bahagyang napatayo. "Ihanda mo ang Dalawang Bathrobe at ilagay iyon sa Comfort Room doon sa Redroom." Utos ko kay Fernan habang inaayos ang aking loptop. Kita ko sa gilid ng aking mata ang ilang segundong pagtitig ni Fernan. Tiningnan ko siya nang masama. “What?” I asked seriously. Napabuntong hininga siya sa kawalan atsaka napailing “Wala po, Mayor." Tumalikod na siya para lumabas ng aking Opisina. Kalaunan ay lumabas narin ako. Sa Tabi ng Aking Opisina ay ang aking Kwarto. Doon ako dumeretsyo para maghanda at magpalit ng Pants. Topless ako nang dumeretsyo sa Redroom. Nasa labas pa 'lang ako ng double doors ng Red Room ay rinig na rinig ko na ang ingay mula sa loob nito. Isang maingay na musika ang umaalingangaw at para bang may taong nagpa-party sa loob. Sinuot ko ang eye glass na kanina ko pa hawak at pagka-suot nito ay hindi na ako nag-dalawang isip na hawakan ang dalawang handle. Napasinghap muna ako bago sabay na binuksan ang Double Doors. Nang mabuksan ko ito ay unti-unting bumungad sa akin ang isang babaeng nakatalikod. Sumasayaw sayaw siya at nakikisabay sa indayog ng musika na para bang nasa isa siyang Bar! She was wearing a formal pink skirt and a coat, na kadalasang sinusuot ng mga matatandang empleyado ng aming Opisina at ganon din sa Munisipyo! f**k! I Expected her to be a Hot Lady Tonight! Anong nangyayari? "Alondra?" May bahid ng pagka-Gulat ang boses ko. Inis akong pumasok sa loob ng Red Room at kusa namang nagsara ang Double Doors. Unti-unti siyang humarap, ngunit bigla din namang tumalikod sa gulat nang makitang wala akong pang-itaas. "M-mayor," nanginginig ang boses niya dahil sa pagka-bigla. Nag-tiim bagang ako nang magka-salubong ang tingin naming dalawa sa salamin doon sa harap niya. Nagawa niya pang tumalikod e kitang-kita parin naman ako sa salamin na malaki! "Ahh!" Napasigaw pa siya sabay takip ng kanyang mata nang mapagtanto ang salamin. Nakita kong ipinaghiwalay niya ang kanyang daliri at nakita ko ang kanyang mga mata na tinakpan din naman niya ulit. "Why are you Wearing That s**t?" Sigaw ko habang nakaturo sa kanyang suot. "Alondra, Humarap ka nga! Stop That!" Tumaas ang boses ko sa sobrang pagka-irita nang hindi 'man 'lang siya nagsalita. Humarap naman siya nang mapagtantong nagagalit na ako. Nakababa ang tingin niya at para bang nahihiya, pero ilang segundo 'lang naman ang lumipas nang bigla siyang nag-angat ng tingin. "D-diba, Mayor ang Sabi niyo ang suotin ko ay yung mapapa-payag kitang ihired ako? So eto na po, Presentableng -presentable ang suot ko. Ang Ganda diba, Mayor?"  Ngiting-ngiti niya pang sabi. Napakunot ang noo ko at Nag-igting ako ng bagang bago tinanggal ang suot kong salamin. Seriously? Nang-aasar ba siya o talagagang hindi niya alam ang problema sakanya? Iniinis niya ba ako?  ! "My.God, Alondra! Ganyan ka ba talaga umintindi?" Sa inis ay hindi ko na maiwasang magsalita. Kinunot niya ang kanyang noo na para bang hindi parin ako maintindihan. Yung totoo? Anong problema nitong si Alondra? Nagda-drugs ba siya? "Bakit, Mayor? Pangit po ba ang Suot ko?" Parang hindi niya pa siguradong sabi. Sarkastiko akong ngumisi. Hindi ko alam kung anong sasabihin at gagawin ko sa babaeng ito. Ang Hirap niyang Umintindi! "Nagtanong ka pa!" Sa Inis ay Tumalikod na lamang ako at nagbadyang lumabas ngunit nagsalita ulit siya. "Mayor,Hindi niyo po ba ako iha-hired? Parang Awa niyo naman Mayor! Wala akong Pera na ipambabayad sa mga nagastos ko! Parang Awa niyo na!"  Narinig ko ang Pag-hikbi niya. Napapikit ako sa kawalan nang mapagtantong umiiyak siya. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kakaibang awa, hindi ko maipaliwanag. Oo, naiinis ako sakanya, inaamin ko pero parang ang bilis niyang pakalmahin ang isang tulad ko. Hindi ko alam kung bakit. Sobrang gaan ng loob ko sakanya. Sa sobrang gaan, halos nag-uusok na yung ilong ko. Sobrang gaan na halos gusto kong sumigaw sa inis! Hinarap ko siya. Nakalagay ang Isa kong Kamay sa beywang na hawak hawak ang aking eyeglass, habang ang isang ko namang kamay ay hinihilot ang aking panga na nangalay sa sobrang pag-titiim ng bagang. Nakita ko ang Luhang Pumatak sa kanyang mga mata. Kahit hindi niya ginagawa ay alam kong lumuluhod na siya sa kanyang utak. Para bang kailagan na kailangan niya talaga ang trabahong ito kaya umiiyak siya nang ganito. Napabuntong hininga ako nang maramdaman ang hindi maipaliwanag na bagay sa loob ko. Bakit ba awang-awa ako sakanya? Ewan ko ba. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Hindi ko na maintindihan ang utak ko na imbes na tulungan ako sa pag-isip ng tama ay siya pang nagtutulak sa aking sabihin ang bagay na ito. "Fine! You're f*****g Hired!" I Can't Believe This is Happening! Nagawa kong i-hired ang ganyang klase ng babae? Gusto ko sanang bawiin ang sinabi ko kaso wala namng lumalabas sa bibig ko. Ano ng mangyayari ngayong siya na ang Sekretarya ko? "Mag-hotel ka muna at gamitin mo ang Atm Card ko! Make Sure na magagawa mo ng maayos ang trabaho Mo!" Sigaw ko bago Tumalikod at deretsyong lumabas ng Redroom.  - - Kinabukasan ay nagulat na lamang ako sa malakas na tunog ng Aking Phone. May Unknown Number na tumatawag. Kahit na antok parin ay Sinagot ko iyon at idinikit na sa aking tenga. "Hello, Mayor? Si Alondra po ito ang inyong Sekretarya. Kailangan niyo pong gumising ng maaga dahil may Meetings pa po kayo with the Governors. Nag-commute narin po ako papunta sa Subdivision niyo. Mayroon din po pala kayong Meeting With Miss Abuela mamaya after Ng Meeting niyo with the Governors. Nag-almusal narin po pala ako salamat sa-----" "Oo na! Oo na! Tumawag ka lamang para diyan? My. God! Ang aga aga! Pati ba naman pagkain at pagco-commute mo iku-kwento mo sakin? I Don't really Understand Why I Hired You!" Sabi ko sa inis. "Hihihihi!" Narinig kong pagtawa niya na lalong nagpa-inis saakin. Nag-tiim bagang ako. "Just go here, okay?" Sigaw ko atsaka ipinutol na ang tawag. Hinampas ko ang aking unan dahil sa inis. Hindi ko talaga Maintindihan ang sarili ko. Why Did I Hire Her? Marami pa namang mas magagaling at mas matatalinong nag-aapply, ah? Bakit siya pa? Archie, nababaliw ka na ba? Hanggang sa Kotse ay Hindi tumigil si Alondra sa pagdaldal. Nasa Back Seat kaming dalawa ng aking kotse habang si Fernan ang nagda-drive at patungo kami sa Meeting Area. "After niyo pong kausapin si Miss Abuela mayroon pa po kayong Appointment with Mr. Roa and Mr. Chua." Tumango ako sa sinabi niya. "Atsaka nga po pala yung kay Mr. Chua ay Kailangan niyo raw po siyang kausapin in private after ng meeting niyong tatlo na kasama si Mr Roa." Kanina pa siya salita nang salita, at para bang wala siyang pakealam kung sumasagot ako o hindi. Masyado niyang kina-career ang trabaho niya, sa totoo 'lang. Agad akong bumaba sa kotse nang tumigil si Fernan sa Harap ng Munisipyo. Inayos ko ang suot kong Coat habang nagla-lakad papasok sa loob. Sunod-sunod namang pagbati ang narinig ko mula sa mga empleyadong nagta-trabaho roon. Hindi ako namansin, at nagpatuloy 'lang ako ng lakad hanggang sa makapasok na ako sa Elevator, nakasunod 'lang sa akin si Alondra. Pinanood ko siyang pinindot ang floor kung saan kami patungo, hinayaan ko na 'lang siya. Ipinasok ko na lamang ang dalawa kong kamay sa aking Bulsa at Sumandal sa Elevator. Habang umaandar ang Elevator ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Alondra na nakatalikod sa akin at nakaharap sa mga floor buttons. Ang mabango niyang Amoy ay Umaalingasaw sa buong Elevator . Inaakit nun ang aking Ilong, at hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon. Habang nakatingin ako sakanya ay bigla naman siyang Lumingon kaya Nagkasalubong ang aming mata. Napakunot ang noo niya kaya napaiwas na 'lang ako ng tingin, at kunwari'y nagwi-whistle. Habang sumisipol ay Kitang kita ko sa gilid ng aking mata ang Pag-iling ni Alondra. Umayos ako ng tayo at napalunok bago nagsalita. "Call Fernan. Sabihin mo'y Pagkatapos nito ay Ihahatid pa niya tayo sa Opisina ni Dad." Sabi ko habang hindi parin tumitingin sakanya. Tumunog ang Elevator hudyat ng pagbukas nito. Hindi ko na hinintay na  magsalita si Alondra. Dumeretsyo na lamang ako ng Labas, At hindi narin naman siya nag-dalawang isip na sumunod sa akin. Naglakad ako ng Deretsyo papuntang Meeting Area. Binuksan ko iyong pintuan atsaka pumasok. At Dahil Sekretarya ko si Alondra ay pumasok din siya sa loob. "Goodmorning." Seryoso at pulido kong Bati. Nagsitayuan muna sila bago nagsalita, "Goodmorning, Mayor Archie Alarcon." at saka sila isa-isang nakipag-kamay saakin. Lima Silang Governador na Kasapi ng aking Organisasyon. Mayroon pang mga Vice Governors ngunit kinabukasan pa ang Meeting ko sakanila. Umupo si Alondra sa Isang Bakanteng Swivel Chair roon. Binuksan niya ang Kanina niya pa bitbit na black bag at saka kinuha niya doon ang MacBook at inilagay niya sa harap ng king uupuan. Umupo narin ako roon at binuksan iyong MacBook. "Mayor, Marami ang Mga Kalabang Partida natin ang gumagawa ng paraan upang makahanap ng Makakalaban mo sa Parating na Eleksyon. Anong ang ating magiging unang hakbang?" Sabi ni Governor Enrico ang Nanalong Governor noong 2012. Binasa ko ang baba kong labi. Bago magsalita "Edi Maghanap Sila! I Know They Can't Find a Better Candidates than me. Alam kong kahit na Sino ang Ilaban nila ay ako parin ang pipiliin ng mga tao." Nakita ko sa Gilid ng aking mata ang pag-ngiwi ni Alondra kaya napatingin ako agad sakanya. Pinanliitan ko siya ng mata dahil sa naging reaksyon niya, bago muling binalik ang tingin sa mga Governors na aking kausap. "Mananalo Ulit ako, I'll make sure of that." May pagsisiguro sa boses ko. Seryoso akong nagsasalita nang bigla kong narinig ang boses ni Alondra. Halos Magulat ako sa sigaw niya....at Ganoon din ang mga Governors na kasama namin. "Kaya Mo yan, Mayor! Kaya Mo yan! Go! Go! Go! Fight! Fight! Fight!" Sabi niya. *Rufa Mae Quinto's voice.* Kinunot ko ang noo ko hanggang sa unti-unti na 'lang akong nakaramdam ng kahihiyan. Nakakahiya! Sekretarya ko pa naman siya, tapos ganito? Pinapahiya niya 'lang ako! It's her First day at work, tapos ganito agad? Seriously? Tiningnan ko siya nang masama at sinenyasan, hanggang sa tumigil narin siya at nagkaroon na ng bagong usapan. "Pero bago ang Lahat. You Should Have Your First Lady. Kung Mananalo ka 'man ulit, Kailangan mo ng First Lady na makakasama mong mag-plano sa lahat ng bagay." Sabi ni Governor Leonardo. Kinunot ko ang aking noo. "First Lady? Iam a Mayor, not a President..." nagtataka kong sabi. Ngumiti si Governor Leonardo, "Alam namin Mayor, pero diba mas madaling magtrabaho kapag may katulong at kasama ka sa lahat?" Aniya. Pinanliitan ko agad sila ng mata. Okay....may point siya, pero sino naman? "Who is going to be my First Lady, then?" Tanong ko, hudyat na pumapayag na ako. Nakataas ang kilay ko at hinihintay silang sumagot. Nagtinginan muna sila at nagsenyasan gamit ang mga mata. Para silang nag-uusap gamit ang tingin, hindi ko 'lang alam kung tungkol saan. Unti-unting Nan'laki ang mata ko at halos malaglag ang panga ko nang mapatingin sila kay Alondra. Napatingin din ako sakanya at napakunot ang noo ko nang makitang, kaya pala kanina pa siya tahimik dahil natutulog siya. Kinamot-kamot niya pa ang ilong niya habang nakanganga. Teka---Don't Tell Me Siya Yung Sinasabi nilang First Lady ko? Anak ng? Wala na ba silang Choice? Nagkamali na nga ako dahil ni-hired ko siya tapos gusto pa nilang maging First Lady ko ito? Seriously? Umiling ako. "What? No f*****g Way!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD