Althaea Cassidy's POV Narito ako ngayon sa dining area habang iniinom ang gatas na tinimpla ko kanina-kanina lang. Hindi kasi ako makatulog dahil sa aking nararamdaman mula nang malaman kong may bago na pala siya. Ewan ko ba kasi bakit hindi ko siya gawang kalimutan. Maya-maya nakita naabutan ako ni Yaya Helena at labis siyang nagtataka na hindi pa ako natutulog sa ganitong oras kaya nilapitan niya ako. "Oh Ma'am Thaea bakit narito ka pa? Hindi ka ba makatulog?" nag-aalalang tanong niya kaya naupo rin siya sa tapat ko. "Si Greige ba?" napatingala ako sa kanya nang sambitin ni Yaya ang pangalan niya. Gulat lang ako napatitig sa kanya. "Alam kong siya iniisip mo at matagal ko nang napapansin na may nararamdaman ka para kay Greige. Kahit di mo aminin, pansin ko 'yon dahil kilala kita Alt

