Magkatext pa rin kami ng Athena pagkatapos ng nangyari kahapon. Gusto ko lang ipakita na ok lang kami pero mayroon akong balak para hulihin siya. Sinabihan ko rin siya kagabi na pupunta ako sa bahay nila kaya heto ako ngayon nakabihis na ng plain black polo at hinayaan kong naka open ang butones nito sa bandang itaas at tinernohan ko naman itong blue denim short. Nagsuklay lang ako kaunti saka na ako tumuloy palabas ng kwarto. “Greige.” Sabay halik sa pisngi nito. “May date ba kayo ni Athena?” tanong nito sa akin at inayos ng kaunti ang suot ko. “Medyo pero sa bahay lang kami. Manonood ng movies, maglalaro…..” “Ganoon ba? Sige. Mag-ingat ka anak.” nagpaalam na rin ako pagkatapos at tinahak ang daanan palabas ng bahay. Nakasalubong ko si Papa na mukhang galing ito sa labas. “Pap

