Sa gitna ng tensyon sa waiting area, lumapit si Butler Arthur na may dalang mainit na kape. Bakas sa mukha ng matanda ang pagpipigil ng tawa habang tinitingnan ang kaniyang amo na nakayapak, gulo-gulo ang buhok, at nakasuot pa rin ng seda na pajama. "Your coffee, Sir," mahinahong sabi ni Arthur. Nang abutin ito ni Ledger, kapansin-pansin ang panginginig ng kaniyang mga kamay, kaya naman ang kape sa loob ng tasa ay bahagyang tumatalsik. Isang mahinang tawa ang kumawala sa ginoo. "It’s a rare sight, Mr. Russo. I’ve seen you face federal investigations and hostile takeovers without blinking. But today... you look human," biro ni Arthur. Malamig siyang tinignan ni Ledger. "Shut up, Arthur. My son is coming, and my wife wants to kill me. There’s a difference," bulong ni Ledger bago ininom a

