Huminto ang convoy ng mga itim na SUV sa gitna ng pribadong hangar ng paliparan. Sa labas ng bintana, nagniningning ang mga ilaw ng tarmac, ngunit sa loob ng sasakyan, nanatiling seryoso ang atmospera. Bago pa man buksan ng mga bodyguard ang pinto para sa kanilang pagbaba, lumingon si Ledger kay Arlok na nakaupo sa front seat. Ang malamig na liwanag mula sa labas ay nagbibigay ng matitigas na anino sa mukha ni Ledger, na lalong nagpatingkad sa kaniyang awtoridad. "Arlok," tawag ni Ledger. Mababa ang kaniyang boses, halos pabulong ngunit bawat salita ay may bigat na tila bakal. "I am leaving my heart's family in your hands. Alam mo ang gagawin mo. Bantayan mo ang bawat galaw sa paligid ng mansyong iyon habang wala ako." Tumitig siya nang matalim sa kaniyang pinagkakatiwalaang tauhan. "Si

