Nang matapos ang salo-salo at makapagpahinga na ang pamilya ni Kaylyn sa kanilang mga kwarto, naiwan ang mag-asawa sa kanilang silid. Nakatayo si Ledger sa may malaking bintana, nakatingin sa lungsod na tila isang haring naghahanda para sa huling laban. Naramdaman niya ang pagyakap ni Kaylyn mula sa kanyang likuran. "Ledger, alam kong may iniisip ka. Ramdam ko ang bigat ng dibdib mo." Bulong nito pero sapat na para marinig nilang dalawa. Humarap si Ledger at niyakap nang mahigpit si Kaylyn. "Bukas, kailangan kong pumasok nang maaga sa kumpanya. May Board meeting na ipinatawag si Marcus. Gusto niyang kwestyunin ang kasal natin." "Anong balak niya?" kabadong tanong ni Kaylyn. "Gusto niyang makuha ang lahat ng meron ako," diretsong sagot ni Ledger. "Pero huwag kang matakot. Magtiwala ka s

