Makalipas ang mahigit isang buwan, ang dating lupang puno ng alikabok at tunog ng martilyo ay naging isang paraiso. Nakatayo na nang buong dangal ang mansion ng mga Russo-Obligado—isang modernong obra maestra na may malalaking bintanang glass, malawak na balkonahe, at pinturang puti at abo na nagbibigay ng napakalinis na anyo. Lahat ng kagamitang binili nina Ledger at Kaylyn ay nasa kaniya-kaniyang pwesto na. Ang kusina ay kumpleto sa makabagong gamit na pangarap lang noon ni Aling Rosa, at ang bawat kwarto ay may kaniya-kaniyang disenyo na bumabagay sa personalidad nina Jaxon, Geneva, at Zinnia. Maaga pa lang ay tila nagising na ang buong baryo sa amoy ng masarap na luto at sa kinang ng bagong mansion ng pamilya Russo at Obligado. Ang sikat ng araw ay sumasalamin sa malalaking bintanang

