Tumingin si Kaylyn kay Ubeth, pagkatapos ay kay Russo. Kitang-kita niya ang ungat sa panga ni Russo at ang mahigpit na pagkakahawak nito sa sariling mga braso. Alam niyang sa isang maling galaw lang, baka sumabog ang CEO sa selos, pero alam din ni Kaylyn na naging mabuting kaibigan sa kanya si Ubeth sa mga panahong durog na durog siya. "Salamat sa lahat, Ubeth," mahinang sabi ni Kaylyn. Hindi na hinintay ni Kaylyn ang sagot ng lalaki. Siya na mismo ang humakbang palapit at niyakap nang mahigpit si Ubeth bilang pamamaalam sa matalik niyang kaibigan. Hindi niya alam if kailan ulit sila magkikita na dalawa, baka abutin na naman ng ilang taon. Nanigas si Ledger sa kanyang kinatatayuan. Lalong nag-igting ang panga niya sa galit na nararamdaman at pakiramdam ni Ledger ay para siyang pinipiga

