CHAPTER 7

2100 Words

Habang nasa gitna ng shift si Kaylyn sa restaurant, naramdaman niyang nag-vibrate ang phone sa kanyang bulsa. Si Jaxon. Agad siyang kinabahan dahil alam niyang hindi tumatawag ang kapatid nang ganitong oras kung hindi importante. "Ate! Si Mama, isinugod namin sa ospital! Inatake siya sa puso, Ate, hindi siya magising!" garalgal ang boses ni Jaxon sa kabilang linya, rinig ang ingay ng mga sirena at iyakan sa background. Halos mabitawan ni Kaylyn ang bitbit niyang tray. Nanginginig ang kanyang mga tuhod at tila nagdilim ang kanyang paningin. "Anong ospital?! Jaxon, parating na ako! Bantayan mo si Mama, huwag mo siyang iiwan!" Hindi na niya inisip ang sasabihin ng masungit niyang manager na si Moxie. Mabilis siyang nagpalit, halos hindi na maisara ang locker sa panginginig ng kamay, at tum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD