“Dissociative amnesia. . .” Dumapo ang kaliwa kong kamay sa bibig nang marinig ang sinabing iyon ng doctor. I stayed in the hospital for three days. Pagkatapos, dahil sa pangungulit ko na rin kila mommy ay pumayag na rin ang mga ito na ituloy ang observation at treatment sa bahay. Pagkatapos nang gabing iyon, hindi ko na muling nakita si Cormac. Hindi pa rin ako nakakatanggap ng tawag mula kay Ma’am Cassandra. But that won’t be the end of me. Alam kong marami pa akong kailangang gawin kaya mas pinipili ko ang magpatuloy. Pagkatapos ng tatlong araw, nakalabas akong muli sa unang pagkakataon. Madali kong pinuntahan ang kaibigan kong si Yohan para maipagtapat ang totoo. He’s the only doctor I can trust. Nasabihan ko na siya sa tawag kanina bago ako magpunta sa mismong condo nito. “Sinasa

