First thing in the morning, tinatahak ko na ang daan papunta sa lugar ni daddy. Pagkarating mula sa Canada, ngayon pa lang ako nagkaroon ng oras para mabisita ang ama. Hindi ko tuloy mapigilan ang mas ma-excite. I really miss my dad. Ni minsan hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa lalaki. Taas-noo akong bumaba sa sasakyan at tinungo ang loob noon. Naninibago man at naiilang sa mga matang halos dumikit na sa akin ay hindi ko na ito ininda. Nang makita ang lugar kung saan puwedeng magtanong, nagtuloy-tuloy na akong magsalita. “I am Avery Taylor–” “I’m Cormac Carter.” Halos umusok ang tainga at ilong ko sa biglaang pagkakasabay naming dalawa ng lalaking hindi ko napansin sa tabi. Malinaw sa aking pumasok akong mag-isa kaya nakagugulat kung paanong nakarating ito sa tabi ko. “What the

