Ang AFA 2020, o ang Antonio Facundo Awards ay patimpalak para sa mga journalist na katulad ko, kadalasan din itong bukas sa mga manunulat at direktor. Hindi katulad nang nakasanayan, dito ay kumuha kami ng isang subject, isang taong sikat na sikat sa mga tao. . . inilathala namin sa mga manonood kung paano ang buhay ng taong iyon. Pinakealamanan namin ang buhay ng kung sinong napili para lang manalo. But after all those struggles on getting the right person for the documentary, ikinintal ko sa isip na ako ang mananalo. Pinangako kong gagawin ko ang lahat para sa dokumentaryo lalo pa ngayong may gusto kong patunayan sa publiko. That I am more than the murderer’s daughter they once called. “Avery!” Hinarap ko ang babaeng tumatawag, it was Ma’am Cassandra running her way to me. Napailing

