January 2, 2005 Third person’s point of view Malalaki ang ngisi ng labing-dalawang taong batang si Avery nang tuluyan siyang makalabas sa classroom. Uwian na kaya katulad ng nakagawian, dederetso na naman siya sa classroom ni Macmac. Mambubulabog at kukulit-kulitin itong muli. Halos isang taon na silang ganito. Siya na palaging bumubuntot sa lalaki at si Macmac na palaging napipikon sa bagay na iyon. Avery doesn’t seem to mind it. Para sakanya, mas nakaka-challenge ang bagay na ‘yun. Habangbuhay ata niyang pagtatawanan ang panginginig ng lalaki dahil sa nerbyos tuwing makikita siya nitong papalapit. “Ano na naman ang ginagawa ng grade seven dito?” kunot-noong sabi ni Jac nang makita ang kapatid na tuloy-tuloy na naman sa pagliliwaliw sa palapag ng mga grade ten students na kagaya ni

