LIEGH Araw ngayon ng check up namin ng mga baby ko. Sobrang excited na akong malaman ang gender nila lalo na at ang sabi ng ob gyne ko ay posibleng makita na namin ngayon basta maayos ang posisyon nila sa loob. Last month kasi, sinubukan naming tingnan pero hindi makita dahil sa tila ba ayaw nilang ipakita. Sabi naman ng doktor normal lang 'yon lalo na at tatlo sila. Nakakatuwa na ramdam ko na ngayon ang bawat kilos nila lalo na at mabilis silang lumaki sa loob ng tiyan ko. "Are you okay?" malambing na tanong ni Declan ng pumasok kami sa elevator paakyat sa hospital. Recently kasi, hindi na ako masyadong sinusumpong ng claustrophobia kahit matagal akong sakay ng elevator. Malaki ang naging changes sa akin lalo na at tuloy-tuloy ang therapy ko. Kahit sinabi ko kay Declan na ayos na ako

