Kahit paano ay mukhang humupa na rin ang matinding galit ni Declan. Medyo mahinahon na ulit ang boses niya ngayong kausap ako kahit pa mabilis ang t***k ng puso nito. "Gusto mo bang umakyat sa loob o okay lang sa 'yo na manatili muna dito?" tanong ni Declan sa akin. "Dito na lang ako, na-bo-boring na ako sa silid natin," sagot ko. "Alright, stay here then. May trabaho akong gagawin sa opisina ko," sabi ni Declan kaya tumango ako. "Come here," tawag nito sa babaeng nag-body search kay Sammy kanina. Astig ang babaeng ito, mukhang hindi nga babae kung kumilos dahil brusko ang dating nito. "Laila, ikaw muna ang bahala sa asawa ko. Bantayan mo siya habang narito at walang pwedeng lumapit sa kan'ya ng hindi dumadaan sa iyo," utos dito ni Declan na sinagot naman agad ng kausap nito ng "yes

