Inabot ko ang cellphone na naiwan kong nakapatong sa maliit na counter sa kusina. Kailangan kong makasiguro kung ano ang dapat kong gawin pagkakataon na ito. I can't just rely on my instinct. Agad na tinawagan ko si Ninong Sabby and I'm glad na agad naman nitong sinagot. "Ninong, ano pang alam mo sa pagkatao ng asawa ko? May nakuha ka bang impormasyon na hindi ko alam hanggang ngayon?" walang paligoy-ligoy na tanong ko. "Lahat ng impormasyon na nakuha ng tauhan ko ay naipadala ko na sa 'yo. Since you have said that you will handle everything on your own, hindi na ako nakialam. Check the system, nakalagay na doon ang profile ng asawa mo." "Thank you, ninong. I'll call you kapag may additional information akong kailangan," sagot ko saka mabilis na nagpaalam dito. Very thankful ako sa Ni

