Kinakabahan man ay tuloy tuloy lang siya sa kanyang pagsunod sa mga kasama. Sa may likod na bahagi pa kasi ng gusali ang staff house kung saan silang mga empleyado naninirahan. Kayang lakarin ng three minutes lang kaya naman ay abot abot ang kanyang dasal na sana ay wala namang balak na masama sa kanya ang lalaki. "Sumusunod padin ba?" Bulong niya kay Mayet na kagaya niya ay pang umaga din, bale sampu silang mga empleyado doon at dalawang cashier isa sa pang umaga at isa sa panghapon. Dalawa din ang bagger at ang iba ay mga stock clerk at taga inventory at display ng mga paninda nila. "Hindi naman nakatingin lang." Sagot ni Mayet sa kanya. Sa sinabi nitong iyon ay tila humupa naman ang kaba na kanyang naramdaman. Maraming mga bagay kasi ang pumapasok sa kanyang isip lalo na at sumagi n

