Parang may imaginary wall sa pagitan nila ni Zion nang mga sumunod na araw. Halata namang inaasar sila ng mga kasama sa bahay lalo na si Zeus at Zach. "Roan ikaw nalang ang sumama kay Zion muna, kailangan na makausap kaagad ang mag aayos ng para sa engagement party sa sabado." Sabi ni Zach sa harap ng agahan nila. Nang maisip kung ilang oras niyang pagtitiisan ang kasungitan at pagiging mahangin ng anak nito ay parang gusto nalang niyang lagnatin nalang para di na makasama. "Kaya na naman yan ni Zeus siguro, siya nalang ang isasama ko." Sabi niya, sa kaloob looban niya ay nagdadasal siya na sana ay pumayag ang lalaki na si Zeus ang kasama niya. "Sorry Ro, kailangan ko ngayong makipag meet up sa aking client. Zion is free naman until next week kaya siya na ang bahala sayo." Sabi ni

