Hindi niya alam kung paano ang magiging set up nila pagkadating nila sa bahay daw nila ng lalaking nagpakilalang asawa niya daw. "Totoo kaya ang sinabi niyang doble ang magiging sahod natin?" Dinig niyang bulong ni Mayet kay Marimar. "Aba Ma, malay ko. Ang inaalala ko lang naman ay baka mapahamak itong si Ayana kaya sumama na ako. Di naman kaya ng konsensya ko na ipagkatiwala sa isang di natin kakilala itong kaibigan natin." Sabat naman ng isa. "Salamat sa inyo a, salamat sa pagiging tunay niyong kaibigan sa akin." Madamdaming sabi niya sa dalawa. "Kuuh wala yun, maliit na bagay. Ikaw nga diyan nakikipagsabayan ka ng panglalait kina Mariel maiganti lang kami." Sabi nito na ikinatawa niya. "Ang drama natin, ano pala ang magiging trabaho natin doon?" Tanong nito sa kanya. "Gaga bakit

