Alam niyang ibang iba na sa panahon ngayon, kung noon ay mga pangit ang kadalasan na masasamang loob ngayon karamihan sa mga gumagawa ng kasamaan ay yung mga magaganda at gwapo na, at wala na ding sinasanto ang mga ito as long as magagawa nila ang mga masasamang balak nila. Nakakapanlumo lang lalo na kung nag expect ka na mabuting tao tapos ang ending ay ikaw pa mismo ang gagawing biktima. Kung minsan kadugo pa nga e. "Nasaan ang mga bata?" Tanong ni Zion sa kapatid na sumalubong sa kanila pagkababa nila. "Nasa taas tulog na kasama ang yaya. Naka lock naman ang mga grills ng bintana kaya safe sila. " Mahina na sagot ni Zandro. "Good, nasaan na sila? " Tanong nito na tila nagpalinga linga pa. "Nasa party pa, mukhang di pa nila namamalayan na alam na natin ang mga plano nila. " Sabi

